Hiro Peralta & Kris Bernal:
Happy in Your Arms!

ADVERTISING

Hiro Peralta & Kris Bernal: Happy in Your Arms!HIRO PERALTA
Real Name: Hirojenel Benz Magalona Peralta
Birthdate: November 7, 1994
Zodiac Sign: Scorpio

KRIS BERNAL
Real Name: Kristine Ann Tan Bernal
Birthdate: May 17, 1989
Zodiac Sign: Taurus

ANG “LITTLE Nanay” ng GMA 7 ang isa sa pinaka-cool and at the same time educational shows sa primetime ngayon. Maliban sa pagkakasali ng ilan sa mga bigating veteran actors na pinangungunahan ni Ate Guy, refreshing din ang atake ni Kris Bernal bilang Tinay na palaging happy lang despite life’s challenges!
Masasabi rin na ito ang biggest break ng poging aktor na si Hiro Peralta. In fairness, marunong umarte!
As of writing, wala pang confirmation kung sinagot na ni Kris Bernal ang isang manliligaw niya na anak ng isang showbiz icon. Si Hiro naman ay tila walang girlfriend. Sila na lang kaya in real life? P’wede kaya?
Malakas ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Taurus. Medyo challenge lang para sa dalawa in terms of intellectual level dahil magkaiba sila ng istilo sa pakikipag-usap. Kung malagpasan nila ito, masasabi na ang love match nila ang isa sa pinakamagandang tambalan sa zodiac in terms of compatibility. Pareho silang may pagka-possessive, pero mas seloso ang Scorpio. Magde-demand ito ng bonggang emotional attachment sa Taurus, na maaaring pagsimulan ng ‘di pagkakaintindihan.
Sa totoo lang, parehong matigas ang ulo ng dalawa, huh! Trip nila na sila palagi ang nasusunod. Dahil dito, kailangan nilang matutong mag-compromise sa isa’t isa. Kung minsan ay hirap nilang i-express ang kanilang nararamdaman kaya napu-frustrate sila. Kahit natural sa magdyowa na minsa’y may duda sa ka-partner, wala naman talagang totoong isyu na dapat pag-awayan (unless gusto lang nilang magpapansin!). Pareho silang loyal at basta magkaroon sila ng personal space from time to time, ang relasyong ito ay maghi-hit ng jackpot! Wow!
Kung ang babaeng Taurus ay nag-iisip na makipag-relasyon sa isang Scorpio, kailangan nitong maghanda. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pagka-stubborn ang dalawang ito kaya kailangan nilang magbigay ng espasyo at lawakan ang pang-uunawa. Kung matutunan nilang respetuhin ang kanilang differences at suportahan ang kani-kanilang passion, bonggang romance ang ending nito!
Uyyyy…. May tsansa naman pala talaga ang HiroKris! Push na lang natin ito para Happy Lang!

ADVERTISING

Pares-Pares

By Madam DaminHiro Peralta & Kris Bernal: <br> Happy in Your Arms!

ADVERTISING