Hiro Peralta, kakarerin na ang pagho-host

Hiro Peralta, kakarerin na ang pagho-host

Hiro Peralta
Hiro Peralta

Mukhang may bago nang kakaririn ang GMA prime actor na si Hiro Peralta bukod sa pag-arte, at ito ay ang pagho-host.
Marami kasi ang pumupuri sa ginagawang pagho-host nito sa “Unang Hirit” sa isang segment, kung saan lumalabas siya ng studio at pumupunta sa iba’t ibang lugar.
Tsika nga ni Hiro Peralta nang makausap namin, “Nae-enjoy ko na siya. Nu ‘ng una mahirap, kasi first time kong mag-host. Pero nang tumagal-tagal, nae-enjoy ko na siya at madali lang pala, lalo na’t gusto mo ‘yung ginagawa mo. Bukod sa marami akong napupuntahang iba’t ibang lugar na parang nagbakakaasyon lang ako na sabay ang trabaho.
“Marami rin akong natututunan sa mga lugar na pinupuntahan ko at mga taong nai-interview ko.”
Gusto nga raw ni Hiro na mas matuto pang mag-host kaya naman daw kakaririn niya na ito nang sa gayon ay mabigyan pa siya ng GMA at GMA NewsTV ng iba pang hosting job.

John’s Point
by John Fontanilla