Hiro Peralta, habang tumatagal, lalong nag-i-improve sa hosting

ADVERTISING

Hiro Peralta, habang tumatagal, lalong nag-i-improve sa hosting

Habang tumatagal ay mas nagiging epektibong segment host ng “Unang Hirit” ang Kapuso Prime Actor na si Hiro Peralta na huling napanood sa top-rating serye na "Little Nanay", kung saan nakatambal nito si Kris Bernal.
Habang tumatagal ay mas nagiging epektibong segment host ng “Unang Hirit” ang Kapuso Prime Actor na si Hiro Peralta na huling napanood sa top-rating serye na “Little Nanay”, kung saan nakatambal nito si Kris Bernal.

Marami nga ang nasasabing masarap panoorin si Hiro na mag-host, dahil bukod sa maganda nitong mukha ay halatang nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa.
Isa na nga si Hiro sa inaabangan sa “Unang Hirit” na pantapat sana sa tinaguriang Boyfie ng Bayan at naging co-star ni Hiro sa “Walang Tulugan” na si Marlo Mortel na epektibo ring segment host at isa rin sa inaabangan sa “Umagang Kay Ganda”. Ang kaso, ang balita namin ay tsinugi ito at pinalitan ng sayawan na nakamumuhing panoorin para sa isang morning show na ang gusto ng mga manonood ay makakuha ng fresh na balita at impormasyon.
Kaya sana ay mag-stick na lang sa kanilang format ang “Unang Hirit” at ‘wag nang makisabay pa sa pagiging morning variety show ng “Umagang Kay Ganda” na baka sa mga susunod na araw ay ang mga hosts na nito ang mga kumakanta at humahataw sa sayawan.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING