Hiro Peralta, ‘di makapaniwalang leading man na siya sa serye

ADVERTISING

Hiro Peralta, ‘di makapaniwalang leading man na siya sa serye

Hiro-PeraltaHINDI MAKAPANIWALA ang baguhang young actor na si Hiro Peralta na nakasama siya sa serye ni Kris Bernal at ginawang leading man sa seryeng Little Nanay.

“Sobrang saya ko po. Matagal ko nang dalangin na magkaroon ng isang serye na ka-partner ko pa si Kris (Bernal). At higit sa lahat ay nakasama ko rin dito sa Little Nanay sina Ms. Nora Aunor, Bembol Roco, at Eddie Garcia,” nakangiting say ni Hiro na six footer ang taas.

Da who raw ba si Hiro? Siya po ay galing sa angkan ng mga military. Ang lolo niya ay isang heneral at ang uncle niya ay may mataas ding katungkulan sa Marine. Ang tatay niya ay isang sikat na Chef at ang nanay niya ay nasa isang cruise ship business. Kaya kung tutuusin ay hindi na kailangang mag-artista ni Hiro dahil kayang-kaya niyang magbuhay nang marangya.

Pero sadyang pangarap niyang maging artista kaya nagtiyaga para mapansin at mabigyan ng pagkakataong mapasama sa showbiz. Ngayon nga, unti-unti nang natutupad ang pangarap at sana raw ang pagkakasama niya sa Little Nanay ay simula ng kanyang pangarap.

ADVERTISING

Siyanga pala, nang tanungin namin si Hiro sa taping ng Little Nanay sa Sta. Ana Manila kamakailan kung may girlfriend na siya, ang sagot nito: “Wala po. Single po ako ngayon. Naka-tatlong girlfriend po ako noon. Isang anak ng general, isang nag-aaral ng Medicine at isang chef,” pagtatapat ni Hiro.

Ang dahilan daw ng break-up niya sa mga naging girlfriend ay hindi pa raw sila handa na magkaroon ng responsibilidad. Pero nagkahiwalay man daw sila ay naging magkakaibigan pa rin raw sila hanggang ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING