Hiro Peralta at Marlo Mortel, mga “Prince of Morning Show”

ADVERTISING

Hiro Peralta at Marlo Mortel, mga “Prince of Morning Show”

Hiro Peralta & Marlo Mortel
Marlo Mortel and Hiro Peralta

Kabugan sa hosting ang mga pambato ng morning shows ng Kapuso at Kapamilya Networks na sina Hiro Peralta para sa “Unang Hirit” at Marlo Mortel naman para sa dance show… este, morning show na “Umagang Kay Ganda”.
Parehong inaabangan ang segment ng dalawang guwapitong bagets na equally humuhusay mag-host . Mabuti na nga lang at binalik na si Marlo matapos na panandalian itong nawala dahil nagko-concentrate yata ang UKG sa pagiging dance show.

Parehong katas at galing sa defunct show ni German Moreno na “Walang Tulugan” sina Hiro Peralta at Marlo Mortrel kaya naman daw friendly competition ang pagiging co-host ng mga ito sa dalawang magkaibang morning show.
At dahil sa lakas ng arrive ng dalawa sa kani-kaniyang segments, sila na nga ang itinuturing na “Prince of Morning Shows” ayon sa mga nakapanonood sa dalawang morning shows.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING