Hiro Magalona Peralta, nagkapasa at nabukulan dahil sa kasamang starlet

ADVERTISING

Hiro Magalona Peralta, nagkapasa at nabukulan dahil sa kasamang starlet

Hiro-Magalona-PeraltaOA AS in over acting ang starlet na si Mariel Pamintuan na kasama sa GMA soap na MY BFF dahil sa isang eksena raw na hahampasin nito ng payong ang teen actor na si Hiro Magalona Peralta ay tinotohanan daw, as in hinampas nang malakas ng hinayupak na starlet ang young actor na naging dahilan para magkabukol at pasa sa katawan ang young actor .

After nga raw ng apat na take ng nasabing eksena, tsaka nakaramdam ng pananakit ng katawan ang young actor na hindi na lang nag-react dahil baka nga raw masyadong nadala sa kanyang acting ang baguhang starlet.

Mabuti na lang daw ay on the rescue ang isang staff ng said show at sinabihan ang nasabing starlet na hinay-hinay lang sa paghampas dahil masyadong napapalakas na ito at nasasaktan na ang kanyang kaeksena.

Medyo nahimasmasan yata ang ‘di kagandahang starlet at hininaan nang konti ang paghampas, pero huli na dahil nasaktan na ang teen actor. After nga raw kunan ang nasabing eksena, hindi man lang nag-sorry ang nasabing starlet at dire-diretso lang at umalis na animo’y walang nangyari at hindi siya nakasakit.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING