Hiro Magalona Peralta, maghuhubad na ngayong taon

ADVERTISING

Hiro Magalona Peralta, maghuhubad na ngayong taon

Hiro-Magalona-PeraltaHANDANG-HANDA NA raw magpakita ng hubad na katawan ang 20 years old GMA actor na si Hiro Magalona Peralta na kasama sa aabangang GMA teleserye na Pari Koy na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Sunshine Dizon at mapapanood na simula March 9, after 24 Oras.
Tsika nga ni Hiro, nasa tamang edad na naman daw siya at naka-set na ang kanyang isip na ngayong taon ay puwede na siyang rumampa sa Cosmo Bash.
Kaya naman daw nagpapaganda na siya ng katawan para raw makasama siya sa mga rarampa ngayong taon.
Bukod sa paghahanda sa pagrampa sa Cosmo Bash, masusing pinaghahandaan daw ni Hiro ang kanyang role sa Pari Koy bilang closet brother ni Dingdong. Para sa kanya, very challenging ang nasabing role, kaya naman daw nagpapasalamat siya sa GMA 7.

ADVERTISING

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING