Hiro Magalona Peralta, gustong makatrabaho ang Magalona siblings

ADVERTISING

Hiro Magalona Peralta, gustong makatrabaho ang Magalona siblings

Hiro-PeraltaMASAYA RAW ang Kapuso Tween Star na si Hiro Magalona Peralta dahil na rin sa magagandang proyektong meron siya ngayon, kasama na rito ang pagkakasama niya sa Joel Lamangan film na Sitio Cam Cam at sa newest soap ng GMA 7 na BFF na pinagbibidahan nina Manilyn Reynes, Janno Gibbs, Mona Louise Rey at Jillian Ward.

Gusto raw ni Hiro na makatrabaho ang kanyang mga kamag-anak na sina Elmo Magalona, Saab Magalona, Maxene Magalona, at Arkin Magalona.

“Siguro kung dream lang ang pag uusapan, isa ‘yun sa dream ko, ang makatrabaho sina Elmo, Maxene, Saab, at Arkin. Kasi medyo matagal na rin ako sa GMA at pare-pareho kaming nasa Kapuso Network, pero wala pang chance na magkatrabaho kami.

“Naalala ko, nakausap ko si Maxene nu’ng ‘di pa ako nag-aartista, contestant pa lang ako ng Mr. and Ms. Olive C. Tapos, nag-guest kami sa show nila sa QTV 11 pa yata ‘yun, ‘di ko na maalala ‘yung show sa tagal. Tapos, pinakilala ako ng isang staff kay Maxene na kamag-anak niya. Kasi nga ‘yung mommy ko, related sa mga Magalona. Pero wala kaming chance na magkasama sa mga reunion.

ADVERTISING

“Bale si Tito Francis lang at si Lolo Pancho ‘yung nakikita ko noon sa mga reunion namin. Kaya laking saya ko nu’ng nakilala ko siya. Tapos naalala ko pa nang sabihin ni Maxene na may mga pinsan siya na kahawig ko.

“And after winning Mr. Olive C at pasukin ko na ang pag-aartista sa GMA 7, ni minsan hindi ko pa sila nakakatrabaho. Pero si Elmo minsan ko nang nakausap nang mag guest ako noon sa Party Pilipinas, pero hi-hello lang. Hindi kami nakakapag-usap nang medyo matagal.

“Tapos naulit ‘yun nu’ng mag-guest ako sa Sunday All Star. Nakausap ko siya nang konti, pero walang chance na makapag-usap kami tungkol sa pagiging magkamag-anak namin.

“Sana mabigyan kami ng pagkakataong magkasama-sama sa show, or kahit ilan sa kanila. Siguro roon makikilala namin ang isa’t isa at magiging close kahit papa’no,” pagtatapos ni Hiro.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING