Hiro Magalona, ayaw kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona?!

ADVERTISING

Hiro Magalona, ayaw kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona?!

Hiro Magalona, ayaw kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona?!DEADMA NA lang daw ang young actor at ang bagong ka-lovetriangle ng Jabea (Jake Vargas at Bea Binene ) sa upcoming morning soap ng GMA 7 na Cielo De Angelina na si Hiro Magalona sa isyung ayaw siyang kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona at nakiki-ride on lang ito sa mga Magalona sa paggamit nito sa apelyido.

“Ayaw ko na lang pong pansinin ‘yun, kasi kahit naman pagbali-baliktarin, Magalona pa rin ako. Bale ang full name ko ay Hiro Jhennel Magalona Peralta.

“Kamag-anak ng mama ko si Tito Francis Magalona, kaya totoong Magalona ako. Nakikita ko nu’ng bata ako na pumupunta sa mga gatherings ng family namin sina Tito Francis at Lolo Pancho.

“Pero kung ‘di nila ako kikilalanin bilang kamag-anak, okey lang po ‘yun, wala namang problema, hindi big deal sa akin ‘yun.

ADVERTISING

“Basta ang mahalaga sa akin, hindi ako pinababayaan ng GMA 7 at binibigyan nila ako ng trabaho. Like ito ngang Cielo de Angelina, kung saan ka-lovetriangle ako rito nina Jake Vargas at Bea Binene.”

Bukod sa nasabing soap na magsisimula nang mapanood sa Lunes, Oct. 22 ng 11:30 ng umaga, napapanood din si Hiro sa Walang Tulugan With The Master Showman tuwing Sabado ng madaling-araw at isa rin siyang Regal Babies ng Regal Films.

 

NALUNGKOT ANG host ng inaabangang bagong show ng TV5, ang The Amazing Race Philippines, sa naging desisyon ng dati niyang home studio (ABS-CBN) na bawal banggitin ang kanyang pangalan sa promo ng kanilang movie nina Anne Curtis at Andi Eigenmann sa alin mang shows ng Kapamilya Network.

Okey lang daw ito sa mahusay na actor na ngayon ay isa nang certified host ng Kapatid Network, dahil alam naman daw nito na part ‘yun ng consequences nang lumipat siya sa TV5. Basta sa ngayon daw ay masayang-masaya siya dahil ipalalabas na ang kanyang show.

Ito raw ang pinagtutuuan ng pansin ni Derek, dahil ang ganitong klase ng show ang gustung-gusto niyang gawin. Excited na nga raw ito sa pagpapalabas ng kanyang malaking show sa Kapatid Network.

 

MASUWERTE ANG isa sa tinaguriang trending sensation at certified platinum artist, kung saan platinum na ang kanyang self-titled album under GMA Records, dahil siya ang bagong image model ng clothing company na Get Laud.

Ginanap ang contract signing nito bilang latest addition sa pamilya ng clothing brand sa 8th floor ng Ace Hotel and Suites sa United cor. Brixton Sts., Pasig. Present sa contract signing sina Mam Gigi Laudencia (Get Laud President) na umaming isa sa rason kung bakit si Julie Anne ang kinuha nilang image model ay dahil fan siya ng magaling na singer/actress.  Kasama rin sa nasabing contract signing ang mga GMA Artist Center heads na sina Mr. Arsi Baltazar at David Fabros.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING