Hirap kasing mag-memorya ng linya Sam Pinto, konti lang ang eksena sa pelikula!

Hirap kasing mag-memorya ng linya Sam Pinto, konti lang ang eksena sa pelikula!

Hirap kasing mag-memorya ng linya Sam Pinto, konti lang ang eksena sa pelikula!

MALI NAMAN pala ang balitang tinanggal si Sam Pinto sa Boy Pick-Up ni Ogie Alcasid. Hindi naman tinanggal ang sexy star kundi binawasan lang ang mga eksena niya. Hirap daw kasing mag-memorize ng long lines si Sam, pero okey lang naman daw ‘yun sa kanya. Ang importante ay kasama siya sa movie at isa sa leading ladies ni Ogie.

Zero as in zero pa rin daw ang lovelife ni Sam. Pero maraming nanliligaw, pero mukhang hindi muna ‘yun ang priority niya. Dahil umaariba ang career niya, might as well ito muna ang pagtutuunan niya ng pansin. Mula sa kanya, sinabi nitong love can wait, saka na muna ‘yun. Gusto raw niyang maging busy sa showbiz at samantalahin ang mga offers na tinatanggap na laging leading lady ng mga bida.

Dedma na lang si Sam sa mga intriga na ikinakabit sa kanya like may DOM siya, pumapatol sa mga married guys at insecure sa ibang GMA-7 stars. Kibit-balikat with matching beautiful smile na lang daw ito dahil ‘yung mga nagsasabi raw sa kanya nu’n ay hindi siya kilala.

Du’n naman sa isyung nai-insecure siya sa ibang kasamahan niya, sey ng sexy star, baka raw siya ang kinaiinsekyuran kasi hindi raw siya ganu’n.

Talbog!!!

 

NAKAUSAP NAMIN si Dr. Manny Calayan fresh from the USA sa ginawang launching ng FNO (Fashion Night Out) sa Regalia Tower, Cubao, at pinabulaanan nito ang mga negatibong nasusulat tungkol sa kanya. For the record, may clinic si Doc Manny sa LA at bumisita siya du’n ng ilang araw. Nagulat na lang siya dahil may mga isyu nang lumabas na kesyo wala raw linsensya ang pag-o-operate niya ng clinic du’n much more ang pagti-treatment sa mga tao roon. Mga fake daw ang mga gamot niya. May nasulat pa na nakulong pa nga raw siya at may mga taong nagagalit sa kanya dahil as it is nanloloko lang siya ng mga tao at hiwalay na sila ni Dra. Pie Calayan, ang kanyang misis?

“Oo nga, eh, nakakagulat ang mga balita,” malumanay na simula ni Doc Manny “Nalinaw ko naman na iyan. Actually, may isa kasi kaming tauhan, na nanloko sa amin na previous  staff namin, na nagawa ng ibang procedure sa ibang clinic, si Aida Arceo. Maraming nakakakilala sa kanya kasi taga-Siyete, eh. Producer din sya, eh. Nakilala ko siya sa concert namin nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa States noon. Ayun, nang-engganyo na magtayo ng business. Pinagkatiwalaan ko sa pera. Since lagi akong nandito, siya ang nandu’n, ayun na, sinasamantala niya ‘yung pagkakawala ko du’n at du’n siya gumagawa ng hokus-pokus.

“Anyway , kinasuhan ko siya, nasa korte na at marami ‘yun. Sabi ng lawyer, parang mismanagement, na parang legal something na gawain talaga ng mga Pilipino du’n. Ako naman hindi ako plastic na tao. Pinagkatiwalaan ko siya, eh. Parang second mother siya ng mga bata. Niloko niya ako, eh. So…”

Hindi ba naman naka-apekto ang mga negative issues na ‘yun sa business niya?

“Hindi, eh. I mean, wala naman akong niloloko, alam ng mga tao iyan. And look from my endorsers… do you think papayag sila na ako eh, manloloko lang pala? Saka hindi ako papayag na masira ang pangalan ko sa abroad. Hindi naman ako papasok sa alanganin.”

On the lighter side, anytime this month ay paalis ulit si Doc Manny patungong Amerika at pagbalik niya, napili na mula sa mga naggagandahan at nagguguwapuhang modelo ang first in line niya upang ilagay sa billboard.

“Gusto naman namin na mag-explore kami sa mga commercial models, ramp models at TV commercial models. Andyan pa rin of course ang mga celebrity endorsers natin and their billboards, pero ‘yun nga gusto kong bigyan ng chance itong mga models natin na may K naman upang mailagay sa billboard. Mula sa mga nakita ninyong mga models, pumili kami ng 10 male at 10 female and from there, pipili kami ng 2, isang babae at isang lalaki para ilagay sa billboard,” tsika pa rin sa amin ni Doc Manny.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer