HINDI TOTOONG BREAK: Gerald Anderson at Bea Alonzo, ‘nag-kitkat’ lang muna

ADVERTISING

HINDI TOTOONG BREAK: Gerald Anderson at Bea Alonzo, 'nag-kitkat' lang muna

HINDI TOTOONG BREAK: Gerald Anderson at Bea Alonzo, 'nag-kitkat' lang muna
Bea Alonzo and Gerald Anderson

SA INSTAGRAM account nina Bea Alonzo at Gerald Anderson yesterday (Monday) ay nag-post ang dalawa ng kanilang Mt. Pinatubo crater experience.

ADVERTISING

Sa IG, si Gerald ay naglalalakad sa gitna ng lahar. Si Bea naman ay naka-awra sa harap ng isang puting helicopter with a caption: “My surprise morning ride first time I saw the Pinatubo,crater” na sinundan ng hashtags na #bucketlist # dayoff.

HINDI TOTOONG BREAK: Gerald Anderson at Bea Alonzo, 'nag-kitkat' lang muna
Bea Alonzo

Walang photo posting ang dalawa na magkasama sa naturang trip nila pero ang iisipin ng makakakita sa picture nina Bea at Gerald sa kani-kanilang IG account ay magkasama silang kahapon.

Break na ba talaga sila? or baka break lang saglit dahil busy sila pareho sa kani-kanilang mga individual careers?

ADVERTISING
HINDI TOTOONG BREAK: Gerald Anderson at Bea Alonzo, 'nag-kitkat' lang muna
Gerald Anderson

Si Geh ang dami pinagkakaabalahan, lalo na ang kanyang sports at mga advocacy. Si Bea naman abala sa hectic schedules ng promotion ng pelikula niyang “Kasal” sa direksyon ni Ruel Bayani with Paulo Avelino and Derek Ramsay na palabas na bukas, Wednesday, May 16 na ang sipag ng aktres mag-promote sa mga TV shows at mga online platform, papaano pa nga ba mae-enjoy ng dalawa ang “love” nila sa isa’t isa?

Basta ako, hindi naniniwala na hiwalay na sina Bea at Gerald. Basta ang current status ng dalawa sa paniwala ko ay nag-“KITKAT” lang muna sila.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING