Hindi talaga matatawag na movie star
Marian Rivera, hanggang TV lang!

ADVERTISING

<i>Hindi talaga matatawag na movie star</i><br>Marian Rivera, hanggang TV lang!<i>Hindi talaga matatawag na movie star</i><br>Marian Rivera, hanggang TV lang!NOONG UNA, umatras ang pelikulang My Lady Boss na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Richard Gutierrez sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na isang box-office movie . Wala silang laban. Para silang bumangga sa pader kung itinuloy nila na makipagbanggaan sa pelikula ng dalawa.

Today Wednesday, dapat sana ay ipalalabas na ang pelikula nina Marian at Richard thinking na puwede na silang umeksena sa takilya. Pero nakalimutan nila ang dalawang malalaking pelikula na palabas ngayong araw, ang Tom Cruise starrer na Oblivion at Olympus Has Fallen, na for sure, sesemplang na naman sa takil-ya ang pelikula nila.

Last minute, nag-announce na imo-move nila ang showing sa June sa panimula ng pagbubukas ng pasukan.

Pero after watching the trailer ng pelikula, naloka na naman kami – isang lumang plot ng pelikula.

Based sa trailer, isang masungit na “Lady Boss” si Marian at si Richard na isang “Guwaping” ang siya magpapabago sa mundo ni Lady Boss.

ADVERTISING

Watching Richard sa trailer, isang simpleng pagpapa-cute na eksena, hindi pa magawa nang tama. I’m sure, isang flop sa takilya na naman ito.

Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi makausad si Marian sa pagiging TV star, para tumawid para ma-ging isang artistang pampelikula dahil sa mga projects niyang sablay at walang wawa.

<i>Hindi talaga matatawag na movie star</i><br>Marian Rivera, hanggang TV lang!The theme of the movie na tipong pang-telebisyon lang ay pinalaki lang na puwede naman gawing serye sa Kapuso Network ng dalawang GMA stars.

Suggestion ko kay Marian, if given a chance to do a film with Star Cinema, grab the opportunity. This will help her.

Ang boyfriend niya na si Dingdong Dantes nakagawa na ng pelikula sa Star Cinema. While siya, nakalubog pa rin sa formula ng Regal Films at GMA Films.

 

HAPPY SI Sunshine Cruz sa buhay niya ngayon after na makipaghiwalay sa mister niyang si Cesar Montano.

Sa loob ng 13 years nilang pagsasama, nagbunga ng tatlong “Maria” ang pagmamahalan nila ni Buboy na aminado ang aktres na si Buboy ang first love at first boyfriend niya.

But what happened (ang paghihiwalay nila) is a thing of the past.

Ngayon, happy siya na after 13 years of absence sa showbiz, nagbabalik siya.

Last Monday, nagsimula na ang unang project ni Sunshine sa telebisyon – ang action-serye na Dugong Buhay na naglulunsad sa career ni Ejay Falcon.

After a daring pictorial for the men’s magazine na FHM at namumuhay sa bahay na nilipatan nila ng tatlong dalagita niya sa may bandang Commonweath Ave. in Quezon City, there is no turning back para sa aktres.

“I am enjoying my life now,” kuwento niya sa amin.

Sabi nga ni Direk Carlo J. Caparas (writer for the komiks si Direk noon) na siyang consultant ng action-drama serye, timing ang muling pagbabalik ni Sunshine sa showbiz after so long.

Basta ngayon, positibo si Sunshine na sa muling pagbabalik niya sa showbiz, everything will be fine.

“No annulment issue to be discuss muna. I’m enjoying now,” ibinalita niya sa amin.

And now that she’s okey na, kaya na ba niyang patawarin si Krista Miller, ang babaeng sumira ng pagsasama nila ng mister niya?

“Let’s not talk about her,” sabi niya,.

Tama lang. Now na very positive si Sunshine sa pamumuhay niya as a separated wife ni Buboy, no negativities muna.

 

AGAINST ALL odds, mahal pa rin nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ang isa’t isa kahit nagsalita na ang mga magulang ni Heart ng kanilang mga disgust sa senador.

Pero para patunayan kung gaano katibay pa rin ang pagmamahalan ng dalawa, kung ang iba ang may suot na singsing as a proof of their undying love, suot naman nina Heart at Chiz ang kanilang “commitment bracelet.”

Yes, kahit anong bagyo man ang darating sa pagmamahalan ng dalawa at makaapekto man sa kandidatura ni Chiz, keber basta love ng dalawa ang isa’t isa.

Pero aminin man o hindi ni Escudero, nakaapekto sa kanyang kandidatura ang pagsasalita ng mga magulang ni Heart against him. Nakabawas kahit papaano ang pagkagusto ng publiko sa isang tulad niya na sa tingin ng bayan ay siya ang may malaking impluwensya sa girlfriend na si Heart para ma-ging pasaway at hindi sundin ang magulang, na para sa mga tipikal Pinoy ay isang “no-no” na hindi mo susundin ang iyong mga magulang.

 Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING