HINDI SUMUKO: Tony Labrusca, pinatunayang professional sa trabaho

ADVERTISING

HINDI SUMUKO: Tony Labrusca, pinatunayang professional sa trabaho

HINDI SUMUKO: Tony Labrusca, pinatunayang professional sa trabaho
Tony Labrusca

YESTERDAY, Monday, September 23 ang presscon ng bagong barkada movie na “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” ng Regal Films.

Next week Wednesday, October 2 na kasi ang showbiz ng pelikula na ang bilis naman at may kaiklian ang promo ng pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana.

Ang ganda ng casting na pinapangunahan ng mga boys like Jerome Ponce, Albie Casino and Tony Labrusca. Sa mga girls naman sina Jane Oineza at Myrtle Sarrosa ang mga kasama. Lahat sila ay dumaan sa isang audition para mapasama sa pelikula.

Without the media’s knowing na naghihintay para sa pagsisimula ng media conference na isinagawa sa Valencia Events Place, muntik-muntikan na pala hindi makasama si Tony (he plays Kurt who dreams big for his future) sa presscon kung hindi ito nakakuha ng return flight to Manila from Seoul.

ADVERTISING

Kung hindi nagkaroon ng delay sa flight back ng binata (with a short stopover in Hong Kong) dahil may bagyo sa Korea at the time andun si Tony, kulang sana ang casting sa mediacon.

HINDI SUMUKO: Tony Labrusca, pinatunayang professional sa trabaho
The cast of ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’

Dahil sa delays ng pagbabalik ni Tony, plano na pala ng Regal na i-postpone ang mediacon the following day (today sana) kung hindi nagawan ng paraan na makabalik yesterday ni Tony.

Sa major cast na andun sa mediacon yesterday, si Tony ang unang umalis na itinakas pa ng AdProm people ng Regal from the group na humaharp sa mga mga interviews sa media na naiwanan.

Sayang, walang nakapag-interview kan Tony except sa mga naikuwento niya during the open forum. Sayang, dami ko pa naman dapat itatanong sa binata.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING