Hindi raw nanligaw sa kanya kahit kailan
Mercedes Cabral, itinangging boyfriend o naging sila ni Coco Martin!

ADVERTISING

<i>Hindi raw nanligaw sa kanya kahit kailan</i><br>Mercedes Cabral, itinangging boyfriend o naging sila ni Coco Martin!

<i>Hindi raw nanligaw sa kanya kahit kailan</i><br>Mercedes Cabral, itinangging boyfriend o naging sila ni Coco Martin!SA PREMIERE night ng pelikulang Bad Romance na ipapalabas sa mga sinehan sa darating na April 10, nakausap namin si Mercedes Cabral na bida sa nasabing pelikula.

Agad naming tinanong kung wala ba siyang pressure dahil kumita ang pelikulang pinagtamabaln nila dati ni Edgar Allan Guzman, ang Ligo Na U, Lapit Na Me, at heto isang pelikulang pagbibidahan na naman niya ang lalabas?

Nagbigay-pahayag ang mahusay na character actress na may pressure lagi sa kanya sa tuwing may bago siyang pelikulang lalabas o may bago siyang karakter na gagampanan, dahil alam niya ang tiwala at paniniwala na ibinigay sa kanya ng direktor o ng writer na bumuo ng istorya at karakter niya.

Isang psychotic ang role ni Mercedes sa pelikula na isa sa dream role na matagal na niya talagang gustong gampanan. Isang sorpresa ang atake na ipinakita ni Mercedes na tiyak na tatatak sa mga taong makakapanood ng nasabing pelikula.

ADVERTISING

Noon pa man ay bali-balita, na sa kabila ng pagkaka-link ni Coco Martin sa iba’t ibang kapareha nito, si Mercedes daw ang totoong girlfriend ng aktor offcam.

Klinaro sa amin ng aktres na hindi niya boyfriend si Coco, hindi niya naging boyfriend ang aktor at ni hindi ito nanligaw sa kanya kahit kailan. Aminadong may komunikasyon pa rin silang dalawa paminsan-minsan, pero siniguro sa amin ni Mercedes na masaya siya sa mahigit isang taon na relasyon niya sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend, na ayon nga sa aktres ay napaka-supportive sa kanyang showbiz career.

 

SA NASABING premiere night din ay nasalubong namin si Janelle Manahan, kasama ang nababalitang bago niyang non-showbiz boyfriend.

Mukhang masaya si Janelle sa kanyang bagong pag-ibig pagkatapos ng pagkamatay at paglukuksa sa namayapang boyfriend na si Ramgen Revilla. Sa kabila ng malalim na pagmamahal sa ex-boyfriend, mukhang mas pinili ni Janelle ang mag-move on at harapin na rin ang buhay niya na ‘di na nakatali sa kanyang nakaraan.

Tamang-tama na kasama sa nasabing pelikula, senyales ito na naghihintay lang si Janelle ng mga taong magbibigay sa kanya ng tsantsa para makagawa ng mga proyekto at makabalik sa pag-arte.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING