Hindi naman matuluy-tuloy
Kris Aquino at Willie Revillame, parehas madalas magpaalam sa show!

ADVERTISING

<i>Hindi naman matuluy-tuloy</i><br>Kris Aquino at Willie Revillame, parehas madalas magpaalam sa show!

<i>Hindi naman matuluy-tuloy</i><br>Kris Aquino at Willie Revillame, parehas madalas magpaalam sa show!OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka ni Tita Swarding! Kaya hala bira! Umpisahan na!

ADVERTISING

Napupuna ko kasi na dalawang personalidad ang mahilig magpaalam sa kanilang show, pero hindi naman natutuloy.

Unahin natin si Kris Aquino. Nu’ng 2003 sa kasagsagan ng away nila ng dati niyang BF na si Joey Marquez, ito ang una niyang pagpapaalam na iiwanan na niya ang showbiz. Saksi pa niya ang mother niya na kasama niya noon, si dating Pres. Cory Aquino (RIP). Pangalawa ay nu’ng kumakandidatong presidente si P-Noy, na ‘pag nakaupo na raw bilang presidente, magbababu na rin siya. At ang pangatlo ay itong kasalukuyang away nila ng da-ting asawa niyang si James Yap na humantong pa sa demandahan. Kasama pa niya ang tatlo niyang kapatid na sina Pinky, Ballsy at Viel, na iiwan na raw niya ang kanyang mga programa sa TV.

Pero nakikita ko pa rin sa kanyang Kris TV mula nu’ng bumalik siya sa kanilang bakasyon sa Europe kasama ang kanyang mga junakis na sina Joshua at Bimby.

ADVERTISING

Pero may bali-balita rin na talagang iiwanan na ni Kris pansamantala ang showbiz kasi ipagpa-patuloy niya ang kanyang pag-aaral in preparation sa 2016 election, dahil tatakbo raw ito sa mataas na posisyon.

Ang nakakaloka naman, itong si Willie Revillame na sampung beses na raw paalam nang paalam sa kanyang show, pero wala namang nangyayari. Tulad nu’ng isang araw nagpaparining na naman na maghanap-hanap na ng mapapasukan ang kanyang mga staff, kasi malapit na siyang tuluyang mamamahinga sa television.

Kaloka, ‘di ba? ‘Pag may disgusto ito sa istasyon, asahan mo, parinig nang parinig ‘yan na aalis. Pero nungka, kung aalis siya, saan pa siya lulugar? TV5 na lang ang nagtitiyaga sa kanya, na balita ko, nagsasawa na rin kay Willie dahil hindi marunong sumunod sa programming, laging overtime na akala mo siya na ang may-ari ng TV5. Ti-tigil siya kung kailan niya gusto. Hayun, pinadalhan ng memo, na ang boung akala ni Willie ay magi-ging sunud-sunuran sa kanya ang TV5, kasi pinagkakakitaan.

At ‘pag naiirita ito, ang mga kasamahan niya ang pinagdidiskitahan, katulad ng nangyari kay Ethel Booba at Ate Gay na ipinagsigawan pa sa ere na ang buong akala niya makabubuti sa kanya ang ginawa niya. Pero sa totoo lang, na kay Ethel ang simpatiya ng tao.

Pero pagdating sa dyaryo, si Willie ang tama. Kasi marami siyang bayarang press, lalo na ang mga kabig ni Cristy Fermin. Pero ang totoo, pati televiewers, nagsasawa na rin sa kanya. Ang audience na lang sa studio ang talagang nagtitiyaga, kasi kahit papaano, nagkakapera sa kanya. Na hindi alam ni Willie na sa kanyang show, marami ang nagiging tamad. Bakit? Kasi nga, ang karamihan na pumupunta sa show na ‘yan, nagbabaka-sakali na magkapera. Sa madaling salita, ito ang mga taong tamad na ayaw magtrabaho na ga-ling sa kanilang pawis at dugo.

Sabi nga ng ilan, si Willie raw, tinuturuan maging tamad ang mga audience niya, kasi nga naman naghahangad na maambunan ito ni Willie at matawag sa halagang P2-K. Pero balita ko, marami na ang nagugutom diyan, kasi araw-araw, hindi naman sila sinusuwerte at hindi natatawag ang kanilang pangalan. Resulta, nganga!

‘Di ba sabi nga sa Bible, nasa tao ang gawa, nasa diyos ang awa? Kaya lesson learned, ‘wag tayong aasa sa kapwa natin, dapat magtiyaga tayong magbanat ng buto. Kasi masarap mabuhay nang walang inaasahan.

 

BLIND ITEM: Pitik-bulag! Sino itong singer-actress na ‘pag nagsi-show abroad, kaloka, as in mabubuang ka talaga sa Earth?

Kasi ba naman, hindi ito natutulog sa airplane na kahit 10 hours ang kanilang biyahe. Walang ginawa kung hindi mag-retouch at mag-ayos ng kanyang mukha.

Napupuna nga raw ito ng mga kasama niya. Na halos tulog na lahat ang kanyang mga kasama, siya hindi pa, at kung anu-ano ang ginagawa sa kanyang mukha.

Resulta, pagdating ng show, inaantok ang hitad. O, siya, d’yan na kayo…

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING