Hindi naman kasi inako ang anak ni Andi Eigenmann Albie Casiño, hindi welcome sa mga Eigenmann

ADVERTISING

Hindi naman kasi inako ang anak ni Andi Eigenmann Albie Casiño, hindi welcome sa mga Eigenmann

Hindi naman kasi inako ang anak ni Andi Eigenmann Albie Casiño, hindi welcome sa mga Eigenmann

GUSTO KO LANG i-congratulate ang alaga kong sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado dahil nanganak na ang huli ng isang malusog na baby girl nu’ng kamakalawa  ng madaling-araw.

After seven years, ngayon lang nasundan nina Tonton at Glydel ang panganay nilang sina Aneeza. Ang name naman ngayon ng pangalawang baby nila ay Anneka Marie na may timbang na 6.4 lbs.

Ang kuwento sa akin ni Tonton, kamukha raw ni Glydel ang baby at mabuti nga lang normal delivery ito. Halos anim na oras kasing nag-labor si Glydel kaya ise-caesarean na raw sana ito. Pero nang hinahanda na raw ang operating table kay Glydel, biglang inilbas na raw niya ito kaya tinuloy na nila sa normal.

ADVERTISING

Biniro tuloy ni Tonton na baka natakot daw ito sa gagastusin kaya biglang inire na niya nang bonggang-bongga kaya naging normal na ito.

Magpapahinga muna si Glydel nang ilang linggo at pag-iisipan pa niya kung kailan siya babalik.  Kailangan pa sana ito sa My Binondo Girl dahil na-extend pa ito hanggang next year. Pero gusto muna ni Glydel na mag-focus sa kanyang baby at alagaan daw muna niya ito.

Hay, naku! Dagdag na apo na naman sa akin iyan. Ang dami ko yatang mga anak-anakan ngayon na nagkaanak kaya parami nang parami na kami.

 

NAKAUSAP NAMAN NAMIN sa Startalk si Jaclyn Jose na isa na ring lola pagkatapos manganak ni Andi Eigenmann ng isa ring malusog na baby girl.

Excited siyempre si Jaclyn dahil first apo niya ito. Pero ayaw raw niyang patawag na lola, ang gusto niya, Inay lang daw. Sa interview namin sa kanya, sinabi nitong hindi welcome si Albie Casiño sa kanila. Ito ‘yung napabalitang nakabuntis kay Andi. Hindi naman daw kasi inaako ito ni Albie, kaya bakit pa raw ito pupunta? Kaya raw nilang palakihin ang baby na hindi na kailangang ipakilala sa tunay niyang ama.

Hindi pa rin naman nagsalita si Albie tungkol dito, pero nakunan din ng Startalk ng statement ang ina ni Albie na si Mrs. Rina Casiño. At sinabi nitong gusto niyang i-congratulate si Andi at maganda raw ang baby na isinilang.

Bahagi ng text nito sa Startalk; “In God’s time everything will work out fine.”

Ang sagot naman niya sa sinabi ni Jaclyn na hindi welcome si Albie sa kanila; “I do respect her decision, but I know by the grace of God maayos din ito.”

Masaya naman daw ang buong pamilya Eigenmann sa pagdating ng baby ni Andi kaya kahit wala na raw si Albie sa eksena. ‘Yun na!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING