Hindi nakabayad ng isang buwang renta: Starlet, tinakasan ang tinitirhang apartelle

ADVERTISING

TALK OF the town ang isang starlet sa isang apartelle na kanyang tinirhan.

Kasi naman, hindi pa pala bayad ang hitad sa kanyang renta ng isang buwan. It seems na wala na siyang pambayad kaya tumakas na lang daw ang hitad.

ADVERTISING

The bell boys were surprised nang malaman nilang hindi na bumalik ang starlet sa kanyang unit.

And when they opened the room ay naloka sila dahil nag-iwan ito ng ilang mga damit. Ang ikinaloka nila, halatang pinaghubaran ng hitad ang mga damit at tila matagal nang hindi nalabhan. With that, naging masangsang ang amoy sa loob ng kuwarto nang kanila itong buksan.

Da who ang starlet? Well, she’s a singer-actress na walang nangyari sa career kahit na member siya ng isang show na pamorningan ang labas.

ADVERTISING

By Alex Brosas

ADVERTISING