Hindi nagpasilaw sa pera
Marian Rivera, Kapuso pa rin

ADVERTISING

<i>Hindi nagpasilaw sa pera</i><br>Marian Rivera, Kapuso pa rin

<i>Hindi nagpasilaw sa pera</i><br>Marian Rivera, Kapuso pa rinAYAN NA, ha? Nag-renew na rin pala si Marian Rivera ng three-year contract sa GMA-7!

Natuloy rin ang pirmahan nu’ng kamakalawa ng umaga na ginanap pa, ‘day, sa Manila Golf Club! Ang sosyal, ‘di ba? Bongga talaga si Marian dahil siya nga ang tinuturing na queen ng Kapuso network kaya ganu’n na lang ang importansyang binigay sa kanya.

Ang sabi nga ni Atty. Felipe Gozon, mabait si Marian at nasubukan na nila <i>Hindi nagpasilaw sa pera</i><br>Marian Rivera, Kapuso pa rinang loyalty niya sa GMA 7 kaya ganun na lang ang suportang ibibigay nila sa Kapuso actress.

Sabi naman ni Marian, walang Marian Rivera kung wala siya sa GMA-7, kaya malaki ang utang na loob niya sa Kapuso Network at mananatiling sa GMA raw siya.

ADVERTISING

Hindi naman niya itinatangging may mga tempting na alok mula sa ibang istasyon, pero hindi raw siya nag-isip nang matagal, sa GMA pa rin daw siya.

Pagkatapos ng pirmahan, aalis muna si Marian kasama si Dingdong Dantes, para i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Kuwento ni Marian, wala raw siyang kaalam-alam kung saan sila pupunta, pero ang alam daw niya sa ibang bansa.

Basta ang sabi raw sa kanya ni Dingdong, magdala lang daw siya ng swimsuit at isang formal dress.

Mala-paraiso raw ang pupuntahan nila pero wala raw siyang kaide-ideya kung saan ito.

Hindi rin daw niya alam kung sino pa ang mga kasama, basta si Dingdong daw ang nag-ayos ng sorpresang ‘yun para sa kaarawan niya. Kaya excited din ang GMA Primetime Queen. Ibabalita naman daw niya sa atin pagbalik nila.

Pagbalik ni Marian ay pag-uusapan na raw nila sa GMA-7 kung ano ang sisimulan niyang drama series.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING