HINDI NA NAGTATAKA ang isang grupo ng nakahunta-han ng isang TV/film director kung bakit ganoon na lang kamaldita ang isang sikat na lady broadcast journalist.

HINDI NA NAGTATAKA ang isang grupo ng nakahunta-han ng isang TV/film director kung bakit ganoon na lang kamaldita ang isang sikat na lady broadcast journalist.

Naging kamag-aral pala ni Direk ang hitad sa isang reputable college sa Maynila. Sa isa nilang major subject ay ginrupo raw sila ng kanilang professor para gumawa ng project.

Nagtaas daw ng kamay ang babaeng mamamahayag, puwede raw bang hindi siya makihalo sa grupo at gagawa na lang daw siya ng sariling project.

Imbes na sumang-ayon ang titser, nagalit daw ito sa hitad. Maluwag daw ang pintuan papalabas ng kanilang classroom, kung ayaw nitong sumunod sa professor. Natameme ang hitad.

Napa-“Aaaahhh…” na lang ang pinagkuwentuhan ni Direk bilang realization na no wonder, dala-dala ng lady newscaster na ‘yon ang kanyang “hostile attitude”. Malayung-malayo ito sa ipino-project niyang public image, na lalo pang ikinukubli ng kanyang sweet smile kuno!

In fairness, her impressive track record in the field of news reportage has earned her the respect she deserves… talagang meron siyang “K”!

(Ronnie Carrasco)