HINDI NA ITINATAGO: Joshua Garcia at Julia Barretto, buking na!

ADVERTISING

HINDI NA ITINATAGO: Joshua Garcia at Julia Barretto, buking na!

HINDI NA ITINATAGO: Joshua Garcia at Julia Barretto, buking na!
Julia Barreto, Antoinette Jadaone and Joshua Garcia with Gretchen Ho at the premiere night of ‘Love You to the Stars and Back’

SABI KO NA nga ba at bibigay at bibigay si Julia Barretto sa kapartner na si Joshua Garcia bago pa man magsimula ang showing ng pelikula nila na “Love You to the Stars and Back” na bukas na magso-showing, Wednesday, August 30 sa mga sinehan nationwide.

 
Akala ko kasi medyo matatagalan pa bago ang kumpirmasyon ng “relasyon” ng dalawa dahil sa mga pocket presscons at blogger conferences ay panay ang “”harutan” at lambingan ng dalawa.
 
Now it can be told na aminin man nina Joshua at Julia o hindi na magkarelasyon sila, iisipin mo na kumpirmado na ang dalawa based on their actions.
 
Sa mga off-camera eksena ng JoshLia ay panay ang holding hands ng dalawa at yakapan na hindi lang nakikita ng mg fans ng dalawa dahil not everytime ay may kamera na nakatutok sa dalawa.
 
One instance ay ang pag-aayos ng collar ng polo na suot ng binata na kaswal na inaayos ng dalaga.
 
Pakiwari ko nga, wala man kumpirmasyon pa ang dalawa sa “relasyon” nila, sa ikinikilos nina Julia at Joshua ay iisipin mo na sila na nga.
 
HINDI NA ITINATAGO: Joshua Garcia at Julia Barretto, buking na!
 
Sa red carpet premiere na isinagawa sa SM Megamall tonight ay pansin ng mga saksi na panay ang holding hands nila na hindi na nila itinatago sa public kumpara noong presscon ng movie nila na sa likod ng kanilang upuan at paholding-holding hands sila.
 
Anyway, maganda ang feedback ng mga nakapanood kanina ng pelikula ng dalawa.
 
Yes, tama si Direk Antoinette Jadaone. The film helps them both to express kung ano man ang nararamdaman nila sa isa’t isa. “Hindi nila alam (JoshLia) na nagho-holding hands na pala sila. May chemistry sila. May sexual tension,” paliwanag ng direktor ng dalawa.
 
Sa totoo lang, ang daming kilig scenes ang dalawa na sigurado magugustuhan ng mga JoshLia fans and supporters.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING