HINDI MAPIGILAN ANG PAG-IYAK: Ruru Madrid, thankful sa pag-aalaga sa kanya ni Direk Maryo

ADVERTISING

HINDI MAPIGILAN ANG PAG-IYAK: Ruru Madrid, thankful sa pag-aalaga sa kanya ni Direk Maryo

HINDI MAPIGILAN ANG PAG-IYAK: Ruru Madrid, thankful sa pag-aalaga sa kanya ni Direk Maryo
Ruru Madrid with Direk Maryo J. Delos Reyes

NAG-IIYAK si Ruru Madrid nang mabalitaan niya na pumanaw na ang kanyang manager-mentor na si Direk Maryo J. delos Reyes last Saturday evening sa Dipolog City in Mindanao for an event due to cardiac arrest.

Hindi makapaniwala ang binata sa nangyari dahil hindi siya handa sa mangyayari.

Maging ang showbiz, nagulat sa balita ng pagpanaw ng loveable na si Direk Maryo.

Ngayong araw, Monday, January 29 ang simula ng first solo-lead serye ni Ruru na “Sherlock Jr.” na mapapanood right after the news program 24 Oras.

ADVERTISING

Nakakapanibago ang kaganapan dahil noong presscon ng GMA Primetime serye ng binata, present si Direk Maryo sa naturang event na hindi naman nakagawian ng manager niya na pumunta sa mga presscon nito.

Parang premonition sabi nila. Nagbilin pa nga daw si Direk sa ama niya na alagaan niya mabuti si Ruru.

Sa kanyang Instagram Account ay may isinulat ang binata.

Pagkakasulat ni Ruru: “Hindi ko alam kung ano ang gagawin at mararamdaman ko ngayon pero gusto ko lang yakapin ka Direk Maryo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa kung nasaan ako ngayon kung anong meron ako ngayon ikaw ang dahilan nun.

“Napaka swerte ko dahil nakilala kita ikaw ang naging mentor ko hindi lamang sa industriyang ito kundi pati na rin sa buhay ko.

HINDI MAPIGILAN ANG PAG-IYAK: Ruru Madrid, thankful sa pag-aalaga sa kanya ni Direk Maryo
Ruru Madrid

“Alam ko na hindi ko madalas nasasabi sayo ang salitang Mahal Kita; alam ko na hindi ko lagi napaparamdam sayo kung gaano kita kamahal pero Mahal na mahal po kita napakalaking tulong ang binigay mo sa akin hindi lang sa akin ganun na rin po sa aking pamilya, kahapon nung papunta ako sa IloIilo (City, Panay Island), napakalaki ng airport pero nagkita pa tayo at niyakap mo ako ng mahigpit kung alam ko lang na yun na ang huling yakap mo sakin sana mas tinagalan at mas hinigpitan ko pa po.

“Ikaw ang unang naniwala sa aking talento hindi mo ko pinabayaan sa lahat ng bagay. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo Direk ikaw ang matuturing kong pangalawang ama kaya napaka sakit talaga na maiwan mo bilang anak. Pero iniisip ko nalang na baka pagod ka na at sobra sobra na po ang naitulong mo sa maraming tao. Mahal na mahal po kita sobra sobra… RIP DIREK MARYO J DELOS REYES.”

Bukas, Martes,Januatry 30, ang labi ni Direk Maryo ay ilalagak sa Loyola Memorial Chapel located along Commonwealth Ave. at 6:00 PM with at nightly mass at 8:00PM. Further details to follow.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING