HINDI MAPAGHIWALAY: Loisa Andalio at Ronnie Alone, suportado ang isa’t isa

ADVERTISING

HINDI MAPAGHIWALAY: Loisa Andalio at Ronnie Alone, suportado ang isa't isa

HINDI MAPAGHIWALAY: Loisa Andalio at Ronnie Alone, suportado ang isa't isa
Ronnie Alonte and Loisa Andalio

MATIBAY-TIBAY na rin ang relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Aminado Ang LoiNie (tawag ng mga fans ng dalawa) na mas kumportable sila sa relasyon nila ngayon na hindi na nila ito inililihim. Two years na ba naman ang pagmamahalan ng dalawa na kapag nakikita sila ng kanilang mga fans, todo kilig ang mgaLoiNie fans.

Sa katunayan very open ang dalawa sa nararamdaman nila. Normal lang ang holding hands, ang pag-aakbay ni Ronnie sa dalaga at ang pagkadikit ng mga katawan nila habang nagpapakita ng kanilang affection nila sa isa’t isa.

Sa katunayan, kahit maulan noong Parade of Stars kung saan kabilang sina LoiNie sa mga bagets love teams ng Kapamilya Network (bukod kina MayWard at DonKiss) na sumama sa parada para sa MMFF 2018 for the movie Fantastica na bida si Vice Ganda, ay very protective ang binata sa dalaga na inalalayan niya ito palagi lalo pa’t madulas ang float na sinasakyan nila at ang entablado kung saan nagkaroon ng short program after the parade.

HINDI MAPAGHIWALAY: Loisa Andalio at Ronnie Alone, suportado ang isa't isa
Loisa Andalio and Ronnie Alonte (LoiNie)

Malaki ang pagbabago sa relasyong LoiNie ngayon. Ayon sa kuwento ng dalaga: “Yung tiwala namin sa isa’t isa, saka yung pagiging kumportable mas lumalim. Kahit hindi kami palaging magka-text o magka-usap pero pag nagkita kami…”

ADVERTISING

Pero si Ronnie, ayaw niya na magpakita ang girlfriend niya ng kaseksihan in public. Ayaw niya na magpakita ng kanyang mga braso ang girlfriend na naka-spaghetti strap na blouse ang suot.

Say naman ng binata at pag-amin: “Seloso po ako. Malala ako, madadala ko yung kantong ugali ko. Iniiwasan ko at iniintindi ko na lang din siya. Bawal ang sexy. Ayokong may tumitingin sa kanyang iba e.”

Pero tila mas selosa si Loisa kaysa kay Ronnie, na pati picture ay pinagseselosan. ”Nag-post lang ako halimbawa ng isang Hollywood star na babae. Magagalit na yan sa akin kahit sa maraming tao magagalit sa akin yan,” kuwento ni Ronnie tungkol sa girlfriend.

Pero may pangbawi si Loisa in defense of her boyfie. Sabi niya: ”Kahit paganyan-ganyan siya, akala mo bad boy… pero malambot ang puso niya.”

As of press time, sa isang unofficial and unverified repost ay nangunguna ang pelikulang Fantastica.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING