Hindi maitago ang pagbubuntis: Paolo Contis at Lian Paz, aamin na! – Ogie Diaz

Hindi maitago ang pagbubuntis: Paolo Contis at Lian Paz, aamin na! - Ogie Diaz

Hindi maitago ang pagbubuntis: Paolo Contis at Lian Paz, aamin na! - Ogie DiazBLIND ITEM:  ISANG TV host ang suki pala ng isang massage parlor diyan sa me Proj. 4, Cubao.   Kumukuha siya ng masahista at halos iisa lang ang kuwento ng mga ito.

Na after the massage ay hindi nagpaparaos ang TV host,  bagkus binibigyan nito ng instruction ang masahista na mag-best children’s show (mag-Batibot, gagah!) sa harap niya at panonoorin niya hanggang ito’y makaraos.

Gano’n lamang daw ang drama ng TV host at bongga pa raw magbigay ng tip. O, at least, positive naman pala ang kuwento ng mga masahista sa TV host na ang description ng aming kaibigan, “Akala n’yo lang, habang minamasahe siya eh natutulog siya.  Hindi, ‘no! Gising na gising ang diwa niya sa hagod ng masahista!”

NANAY NA NANAY si Ms. Dorothy Laforteza sa pagtatanggol sa kanyang anak na si Sunshine Dizon.  Si Sunshine na tinigok ang character sa Tinik Sa Dibdib dahil nagiging pasaway at sakit na rin sa ulo–in short, tinik na rin sa dibdib ang aktres.

Pero iginiit ni Ms. Laforteza na hindi totoo ang balitang nakahinga na nang maluwag ang buong staff ng Tinik Sa Dibdib nu’ng tanggalin si Shine.

“Hindi totoo ‘yan, Ogie.  Sa katunayan, nalungkot sila nu’ng mawala si Sunshine,” sabi pa ni Mommy.

Giit pa ni Mommy, wala raw sinumang young actress ang makakahigit sa nagawa ni Sunshine.  “Magsabi ka ng pangalan kung sino ang nakakuha ng siyam na award?”

Me gano’ng factor, ‘di ba?

INAMIN NA RIN ni Mommy Dorothy na yes, me migraine ang anak niya.  Na yes, meron ding slip disc ang anak niya na sumasakit ang likod ‘pag nalalamigan.

Pero sabi nga namin sa kanya, “Pero mommy, ha?  Okay lang ba ‘yon na sakitin si Sunshine, pero umiinom pa rin ng alak?”

Sabi ni Mommy, “Ay, okay na ‘yon.  ‘Yung alak, maiiihi niya ‘yan, tapos niyan, balik na sa dati.”

Ang taray ng reasoning, ‘di ba?

Kampay, kampay!

SA NOVEMBER 4 malalaman kung girl or boy ang magiging baby ni Lian Paz, dating EB Babe member. Siyempre, excited na excited na ang magiging amang si Paolo Contis, ‘no!

Kaya pag kausap namin ang bruho, eh, tatay na tatay na ang dating.  In fairness, eversince naman, kahit hindi pa nakabuntis si Paolo ay responsableng kabataan na ‘yan, eh.

Kung ano ang magiging name ng kanilang anak?  ‘Yan daw ang dapat na abangan sa Startalk, dahil for the first time, lalantad na ang magdyowa para aminin ang isyu habang lumalaki na rin ang tiyan ni Lian.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Kasama namin si Ms. F at ang mga angels.

Oh My G!
by Ogie Diaz