Hindi mahugot-hugot: Sikat na young couple, magkapatong na isinugod sa ospital?!

Hindi mahugot-hugot: Sikat na young couple, magkapatong na isinugod sa ospital?!

Hindi mahugot-hugot: Sikat na young couple, magkapatong na isinugod sa ospital?!MARAMI ANG NAKAKAPUNA na kapag ini-interview ang sumisikat na child actress ngayong si Jillian Ward na bida sa seryeng Trudis Liit ng GMA-7, hindi umano ito marunong mag-po at opo. At parang siya lang daw ang childstar na gano’n.

Sa kulturang Pinoy kasi, kaugaliang nakagisnan na ang mga bata, dapat may po at opo kapag nakikipag-usap sa mga nakatatanda. Sad to say, mukhang hindi nga gano’n ang naging up-bringing sa kanya.

Ewan lang namin kung totoo pero sabi’y may pagtatangka naman umano ang mga taong nasa paligid ng baguhang childstar na turuan siyang mag-po at po. Pabirong tinatakot pa diumano nga ito na lalagyan ng sili ang bibig kapag hindi sumunod.

Pero wa epek pa rin daw. Hindi pa rin matuto-tuto na mag-po at opo ang bata off-cam.

Kungsabagay, hindi man nariringgan ng po at opo si Jillian sa totoong buhay, nasasabi naman niya ito sa mga linya niya sa Trudis Liit. At sa tingin naman namin, mabait naman siyang bata.

Kaya unfair para sa kanya na dahil lang hindi nagpu-po at opo ay iisipin nang hindi siya rumirespeto sa mga nakatatanda.

Naman!!

MASYADONG ESKANDALOSO AT bastos ang dating ng kumakalat na tsismis ngayon sa magkarelasyong sikat na young actor at young actress. Usap-usapan kasing magkapatong daw sila at nakatakip ng kumot na isinugod sa isang private hospital somewhere in Quezon City.

Ayon sa kuwento, nasa climax daw ng panandaliang ligayang pinagsasaluhan nila ang dalawa sa bahay ng young actress nang bigla na lang diumanong nag-locked ang opening ng private part ng dalaga. Dahilan para maipit daw ang reproductive organ naman ng young actor at hindi na nito mahugot.

Nag-panic daw ang dalawa. Pinilit umanong takpan ng kumot ang magkapatong nilang katawan at saka raw sila humingi ng tulong sa kasambahay ng young actress na madala sa ospital.

Ayon daw sa doktor na siyang nag-attend sa gano’ng kalagayan ng dalawa, vaginal captivus daw ang nangyari. Ito raw ang nagiging resulta minsan kapag ang isang sobrang pagod o stressed na babae ay napilit pa ring makipagtalik. May tendency na manigas at magsara umano ang vaginal opening.

Ayaw naming magbigay ng clue kung sino ang magkarelasyong young actor at young actress na ito. We still have to find out pa kasi kung totoo nga ba ang incident na ito o tsismis lang.

Pero ang mahirap, paano namin tatanungin tungkol dito ang sikat na young actor na napakadisente pa naman ng dating.  O kaya ay ang girlfriend niyang kilala ring young actress na kahit madalas mapabalitang tomadora sa gimikan eh, wholesome pa rin ang image.

‘Yon lang!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan