HINDI LANG PAGHUHUBAD: Cindy Miranda at Sunshine Guimary ipinakita ang acting strengths sa ‘House Tour’

PALABAS NA sa Vivamax ang bagong sexy heist movie na ‘House Tour’. Topbilled by two Vivamax screen goddesses Cindy Miranda and Sunshine Guimary, siguradong maaaliw ang mga manonood lalo na ang mga barako na bet manood ng action and thrilling films with a bit of skin.

Maituturing na isang ensemble film ang House Tour. Kasali rin sa cast sina Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, Rafa Sigueon-Reyna at Marco Gomez.

HINDI LANG PAGHUHUBAD: Cindy Miranda at Sunshine Guimary ipinakita ang acting strengths sa ‘House Tour’
Cindy Miranda and Sunshine Guimary

Ang House Tour ay kuwento ng isang robbery gone wrong with deceit and lies all along. Uso ngayon sa mga celebrities ang pagpapakita ng kanilang mansyon o pag-aari sa social media. Ito ang ginawa ng mag-asawang ex-Olympian turned commissioner na si Franco Cy (Rafa Reyna) at sexy starlet na si Gabby(Sunshine Guimary). Dahil sa kaka-flex nila ng kanilang Santoniri-inspired property with a view, naaral tuloy ng mga magnanakaw ang pasikot-sikot ng kanilang mansyon.

Ang mga magnanakaw ay ang mastermind na si Markus (Mark Anthony Fernandez), ang brusko na si Raymond (Diego Loyzaga), ang techie na si Buddy (Marco Gomez) at ang muse na si Ellie (Cindy Miranda). With the common goal of wanting to get rich real quick to solve their life problems, nagkasundo ang apat na sigurin at nakawan ang property ng sikat na vloggers.

Kaso, masisira ang diskarte nila along the way. May mga sikreto rin na mabubunyag na nakakaloka ang pamamaraan ng pagbunyag. Dinaan sa dahas at pagpapakita ng laman! Pak!

Kahit na may mga daring scenes ang pelikula ay naipakita ng female lead stars ang kanilang acting strengths. Ang beauty queen turned actress na si Cindy Miranda ay nalilinya sa mga provocative sexy drama films (Adan and Nerisa as examples). Ang kanyang karakter na si Ellie ay tough on the outside. Hindi mo magagawang kainisan ang kanyang karakter kahit na siya ay ‘phrogger’ at aminadong ginamit ang katawan para sa ambisyon.

Ang no bra vlogger turned actress naman na si Sunshine Guimary ay may comedic timing as , pero nakitaan ng lalim ang kanyang pag-arte sa serious scenes. Malayong-malayo ito sa kanyang ipinakita sa ‘Kaka’ at ‘Shoot, Shoot’ kung saan naging campy caricature na siya. Ambisyosa rin siya rito (obviously), pero may mga pinagdaanan din si Gabby para marating ang kanyang estado.

Parehong ambisyosang characters, pero magkaiba ang kanilang pamamaraan. Ano kaya ang kahihinatnan nila?

HINDI LANG PAGHUHUBAD: Cindy Miranda at Sunshine Guimary ipinakita ang acting strengths sa ‘House Tour’
Cindy Miranda and Sunshine Guimary

Maiinit ang mga sexy scenes sa pelikula. Parehong passionate, pero with love ang romansa ni Cindy Miranda with her two leading men, habang passionate na as in lust kung lust ang eksena ni Sunshine Guimary with Marco Gomez.

Sa mga male characters, ang pagganap ng newbie actor na si Marco Gomez as Buddy ang pinakatumatak at pinaka-interesting. Dito ay nailabas niya na may ibubuga siya sa acting. Halatang nangangapa pa siya sa Silab noon.

All in all, na-enjoy namin ang House Tour. Nailabas ni Direk Roman Perez Jr. ang acting strengths ng lahat ng kasama sa cast. He is on the right track lalo pa’t marami rin ang pumuri sa mga recent works niya na ‘Taya’ at ‘The Housemaid’, na parehong nasa erotic-thriller na ang genre.