Hindi kinaya ang mga pasaway na ‘fans’: Maine Mendoza, pansamantalang nilayasan ang Twitter!

ADVERTISING
Hindi kinaya ang mga pasaway na 'fans': Maine Mendoza, pansamantalang nilayasan ang Twitter!
Maine Mendoza takes a break from Twitter | Photo grabbed from IG @mainedcm

HINDI NA KINAYA ng Kapuso superstar na si Maine Mendoza ang pagmumura at paninira sa kanya ng ilan sa mga ‘fans’ nila ng onscreen partner Alden Richards.

Lumabas kasi last week ang balitang ‘for show’ lang talaga ang AlDub tandem. Sa totoong buhay daw ay in a relationship diumano ang dalaga sa fellow Kapuso comedian na si Sef Cadayona habang si Alden ay may iba raw talagang nililigawan.

Parehong nilinaw nina Sef at Maine ang isyu, pero sumobra ang mga fans sa pambabash sa dalawang artista. Nag-tweet pa nga si Maine sa kanyang milyun-milyong followers na kung maaari sana’y itigil na ang paninira dahil nakakasakit na sila. Imbes na sumunod sa kanilang ‘idol’, lalo pang tinodo ng mga pasaway na ‘fans’ ang pag-tweet ng below-the-belt words. Nakakaloka!

Sa totoo lang, ano ba naman ang paki natin kung sa ibang tao talaga in love sina Maine at Alden in real life? Bawal ba kahit makipag-kaibigan man lang sa opposite sex? Dahil sa ginagawa ng super possessive ‘fans’ (kung fans talaga sila, huh!), baka hindi ma-enjoy nina Alden at Maine ang showbiz life at ma-feel nila na para silang nasa preso and must follow what the people wants them to do with their lives. That is so scary!

Dahil dito ay ‘di na napigilan si Maine na i-deactivate ang kanyang Twitter account noong Sabado. Sa lahat ng mga artistang sikat ngayon ay si Maine ang hindi namin akalain na maggi-give up sa social media. Matatandaang nakilala ang dalaga sa app na Dubsmash at tinagurian itong ‘Dubsmash Queen’ ng Pinas. And we all know how she became one of the most popular stars in Philippine showbiz today. Talaga sigurong super stressed at bonggang anxiety na ang naramdaman ni Maine kaya pansamantalang nag-deactivate na ito.

ADVERTISING

For Maine, mag-digital detox ka muna and we will welcome you back in Twitterlandia kapag ready ka na! Sa mga ‘fans’, ‘wag masyadong demanding! 

 

ADVERTISING