HINDI BILIB SA LOVE TEAM: “Mas naniniwala ako sa galing ng artista ko!” – Direk Jason Paul Laxamana

ADVERTISING

HINDI BILIB SA LOVE TEAM: "Mas naniniwala ako sa galing ng artista ko!" - Direk Jason Paul Laxamana

HINDI BILIB SA LOVE TEAM: "Mas naniniwala ako sa galing ng artista ko!" - Direk Jason Paul Laxamana
Direk Jason Paul Laxamana with the stars of ‘So Connected’

TAMA ang pahayag ni Direk Jason Paul Laxamana tungkol sa mga pelikula niya. Hindi siya solb sa “loveteam”. Mas solb siya sa galing ng mga artista na gaganap sa pelikula niya tulad sa kaso nina Janella Salvador at Jameson Blake.

 
Sa bagong obra ni Direk Jason Paul that deals about “soulmates”, naniwala siya kina Janella at Jameson na makekeri ng dalawa ang kuwento at karakter ng pelikula niyang “So Connected”.
 
Naitawid ng dalawa ng acting requirements na hanap niya sa mga artista niya. Hindi magka-loveteam sina Janella at Jameson na ang mga kilig eksena ng dalawa ay nairaos nila na naging believable.
HINDI BILIB SA LOVE TEAM: "Mas naniniwala ako sa galing ng artista ko!" - Direk Jason Paul Laxamana
Janella Salvador and Jameson Blake
 
Si Janella, identified kay Elmo Magalona na ang siste, ang pagiging insecure ng ElNella fans na pakiwari ng ilan na mapanira si Jameson sa loveteam nila ni Elmo, ang kawawang si Jameson, naging biktima ng walang lohikang pamba-bashed ng ilang ElNella fans which for me is so mababaw na pinipigilan nila ang pag-grow ng idol nila.
 
HINDI BILIB SA LOVE TEAM: "Mas naniniwala ako sa galing ng artista ko!" - Direk Jason Paul Laxamana
SO CONNECTED Official Movie Poster
 
Sa ganang akin, kung ano man ang personal na relasyon nina Janella at Elmo, hindi dapat tingnan ng mga ElNella fans na mapanira si Jameson.
 
Janella should grow and so with Elmo.
 
Mabuti na lang, si Direk Jason Paul, hindi solb sa pa-koveteam-loveteam na yan.
Sayang kung ikukulong lang si Janella (or si Elmo) sa “loveteam syndrome” na hindi makakatulong sa showbiz careers ng mga idols nila.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING