Angel Locsin, Mag-hihimala?!

Marami ang humanga kay Angel Locsin sa kakatapos lang na launch ng libro ni Ricky Lee na pinamagatang Si Tatang at ang mga Himala ng ating Panahon. Natoka kay Angel ang pagbasa ng ilang linya sa pelikulang ‘Himala’ na pinagbibidahan ng one and only superstar na si Nora Aunor.

Puro papuri ang natanggap ng aktres mula sa mga artista, kasamahan at mga tagahangang dumalo sa nasabing pagtitipon. Kahit ang mismong may akda ng libro na si Ricky Lee ay natuwa sa pamamaraan ng pagbasa ng Angel ng kanyang linya. Tila damang-dama niya talaga na siya si Elsa.

Alam niyo ba na ang pelikulang Himala ang obra nina Ishmael Bernal at Ricky Lee na umani ng maraming parangal sa ibang bansa noong 1982? Kinikilala rin ito bilang isa sa Best Asia-Pacific Film of all time. Mahirap ngang tapatan ang angking galing ng isang Nora Aunor, pero mukhang kering-keri din ng ating bidang si Angel kung sakali man gampanan niya ang remake ng pelikulang ito. Ang nakakatuwa pa, kahit ang mga Noranians ay napipisil ang aktres na maging bagong Elsa. Winnur!

Sa mga hiling ng mga tagahanga at papuri ng mga kritiko sa ating Anghel, ano kaya ang masasabi ng kanyang future mom-in-law na si Vilma Santos tungkol dito? Hmmmm… intrigahin ba agad?!

By Mica Rodriguez
Photos by Ricky Alejo