‘High On Sex’ director GB Sampedro iginiit na hindi dapat iniiwasang pag-usapan ang sex

Leo Bukas

AYON SA movie and TV director na si GB Sampedro, may puwang at tanggap na ng streaming audience ang mga pelikula o series na ang tema ay tungkol sa sex. Si GB ang direktor ng Vivamax series na High on Sex na may matindiing hubaran at love scene ang mga bidang sina Wilbert Ross, Denise Esteban, Angela Morena, Katrina Dovey at Migs Almendras.

‘High On Sex’ director GB Sampedro iginiit na hindi dapat iniiwasang pag-usapan ang sex
GB Sampedro

“Dapat nag-e-evolve ang market natin. Hindi lang tayo dapat nag-i-stick sa mga nakagawiang napapanood o the usual na tinatangkilik ng manonood natin sa pelikula o series,” sabi agad niya.

“Kung mapapansin natin sa ibang bansa, ang mga flat form nag-e-evolve din sila, eh. Nag-e-eksperimento sila and it’s high time na mag-eksperimento tayo and it’s high time na i-consider din natin na mag-offer ng kakaiba para dito sa ating market sa Pilipinas.

“And naniniwala kong may market ang ganito dito sa Pilipinas. I think tayong mga Pinoy naman siguro it’s about time na makatikim ng something new,” paliwanag ng director.

Dagdag pa ni Direk GB , dapat ay maging bukas na rin ang isip ng tao lalo na ang mga kabataan sa usaping sex.

“Ako kasi hindi ko naman tinitingnan ang sex na something immoral or something na parang ikahihiya o hindi dapat hindi pag-usapan. Kasi ibang panahon na tayo ngayon, eh. So, dapat pinag-uusapan nga natin yan para aware ang mga kabataan sa kung ano ang mae-experience nila sa buhay nila. Pero siyempre kailangan may mga iko-consider din tayo sa paggawa ng ganitong series,” rason niya.

Hirit pa ng direktor, “Ang sex naman kasi hindi naman masamang word yan. So, kumbaga parang… tinatanong nga sa atin kung ano ang sex mo – male or female di ba, so maraming meaning ang sex.

“Without sex wala din tayo dito sa mundo. So dapat we don’t think it na parang bastos or taboo or something na kailangan mong ilagan kapag pinag-uusapan. Dapat nga openly pinag-uusapan ang sex at nadi-discuss ang sex especially sa mga kabataan para hindi sila mabigyan ng ibang interpretasyon o ibang kulay pag naririnig nila ang salitang sex.”

Anyway, bukod sa High on Sex series ay si GB rin ang direktor ng pelikulang Purification na pinagbibidahan nina Josef Elizalde at Cara Gonzales.

Previous articleJulie Anne San Jose to Rayver Cruz: “I feel the happiest whenever I’m with you.”
Next articleGina PareÑo may panawagan: ‘Kunin naman n’yo ako. baka mauwi ako sa mental nito!’