Hiding under different names, Maricel Soriano is admitted in a well-known hospital?

ADVERTISING

Hiding under different names, Maricel Soriano is admitted in a well-known hospital?

Hiding under different names, Maricel Soriano is admitted in a well-known hospital?OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Nakakalokang chikkahan na naman tayo, at dahil may bagyo na naman, paniguradong babagyuhin na naman ang mga chikkahan natin niyan, dahil mukhang dito lang din unang lalabas itong itsi-chikka ko sa inyo.

ADVERTISING

Itsi-chikka ko sa inyo ang sagutan namin sa text ng aking kaibigang si Fanny Serrano, dahil naiintriga talaga ako. Heto na ang tanong ko sa kanya: Magtatanong lang ako kung totoong nakasama mo si Maricel Soriano sa Amerika?

Heto naman ang sagot ni Fanny: Oo naman, Swarding… 20 years ago na yata ‘yun, na nag-concert kami du’n kasama namin si Roderick Pau-late, Doña Buding at Direk Maryo J. Delos Reyes. Nanliligaw pa noon si Edu Manzano kay Maria. Kaya hindi ko alam kung ano ang koneksiyon ng nakaraan naming concert sa isyu ngayon kay Maricel Soriano. ‘Yung iba kasing writer ay nag-judge na agad, na ako agad ang kasama ni Maria na nagtatago sa Amerika. Now I know… I realize na hindi lahat ng showbiz writers ay may UTAK. They are just ISSUE INVENTORS. Ang taray ba ng comment ko? Aminin mo naman kasi kung sinu-sino ang mga ‘yun…. AMININ!!!

Ayan! Siyemre nag-reply ako sa kanya na kung may gusto pa ba siyang idagdag, at siyempre natanong ko rin sa kanya kung may balita siya kay Megastar Sharon Cuneta, dahil alam ko ngang close sila.

ADVERTISING

Heto naman ang chikka niya sa akin: Maghintay na lang sila sa new image ni Mega Sharon. It will be a big surprise gift sa lahat ng mga fans na patuloy na sumusuporta at umaasa na siya ang magiging winner sa kanyang show.

Naku, abangan natin ‘yan, mga kaparazzi. Pero heto naman, dumako ulit tayo sa Diamond Star, na talaga namang may nag-chikka nga sa atin, at isa sa mga kaparazzi natin, na talaga nga namang hindi sila naniniwala na nasa ibang bansa si Maricel.

May nakapag-chikka kasi sa kanya na sa isang sikat na ospital lang ito, kaya hindi mahagilap, at nagpapalit pala ng pangalan para hindi ma-search. At nananahimik na rin ang mga katulong, na hindi natin sigurado kung nabayaran na ang mga ito. Pak! Nakakalokang intriga!

 

AT HINDI MUNA tayo magpi-pitik-bulag. Makinig muna kayo sa aking programa sa DZRHTV, 2:30-3:30 sa programang OLA CHIKA NA SHOWBIZ BALITA ni Tita Swarding. Dahil sasagutin na ni Engr. BONG PABLICO ang isyu na sinulat ko rito sa aking column, na p’wedeng mag-asawa ng pito ang lalaki. Dahil ayon sa kanyang paniniwala, hindi ito kasalanan at wala sa Bibliya kung ilan ang gusto nilang maging asawa. In-example niya si Ramon Revilla, Sr., Dolphy at ang dating Presidente Joseph ‘Erap’ Estrada, na pito o higit pa ang naging asawa. Ang masama ay ‘yung nag-aasawa at napakaraming anak na hindi naman kayang suportahan.

At abangan din ang payo ni Engr. BONG PABLICO sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap… ‘Yun na!

At s’yempre, abangan din ang programa ko Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 nn sa DWSS 1494 KHZ kasama ko ang aking co-host na si Lady Camille. BADJAO!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING