HEY, JUDE! Janella Salvador at Markus Paterson, pormal na ipinakilala ang anak na si Jude Trevor

OPISYAL NA – Proud parents of a cute Baby Boy sina Markus Paterson at Janella Salvador.

Pagkatapos ng ilang buwan na pagkalat ng mga haka-haka tungkol sa pagbubuntis ng isa sa Prinsesa ng ABS-CBN ay nahanap na rin nila ang tamang panahon para ipagsigawan sa buong mundo na sila ay ganap nang Mommy and Daddy.

HEY, JUDE! Janella Salvador at Markus Paterson, pormal na ipinakilala ang anak na si Jude Trevor
Baby Jude Trevor Paterson | Markus Paterson and Janella Salvador

Noong January 5 ay nabigla ang mga netizens nang magpost si Janella ng larawan sa kanyang Instagram account na may kasamang baby. Dito ay ipinahiwatig niya na mag importante siyang announcement sa bagong vlog channel nila ng kanyang boyfriend na si Markus.

By 8PM ay nag-premiere na ang video simply titled ‘Hey, Jude.’. Sa 27 minutes vlog na ito ay ipinakita nina Janella at Markus ang kanilang pinagdaanan – mula sa pag-alam ng kanyang pagbubuntis noong February, pagshare ni Markus ng kanyang sentiments noong May, mga check-ups ni Janella, yoga sessions hanggang sa paglipad nila sa UK noong September para doon manganak noong October 20.

Heartwarming ang special vlog na ito dahil may greetings din ang mga parents ni Janella, family ni Markus at mga close friends nila kabilang sina Maja Salvador, Erich Gonzales, Kyle Echarri at marami pang iba. Nagpahayag na rin ng suporta ang Star Magic, ang management team na nangangalaga sa showbiz careers nina Markus at Janella.

Siguradong masayang-masaya at nakakahinga na ng maluwag ang magkasintahan dahil hindi rin biro ang pagprotekta nila sa kanilang Baby Jude Trevor Paterson. Tama rin ang ginawa nila dahil may privacy at na-enjoy din ng new parents ang kanilang journey. We’re rooting for this new family!