Herlene ‘Hipon Girl’ Budol bida na sa romance-comedy episode ng Regal Studio Presents: Gayuma Girl

BIDA NA sa isang romance-comedy story ang pinakamamahal natin na ‘Hipon Girl’ na si Herlene Budol!

Ang dalaga ang bida sa upcoming episode ng Regal Studio Presents na pinamagatang ‘Gayuma Girl’. Title pa lang, alam na natin na ito ay magiging isang masayang episode!

Herlene ‘Hipon Girl’ Budol bida na sa romance-comedy episode ng Regal Studio Presents: Gayuma Girl
Herlene Budol a.k.a Hipon Girl in Regal Studio Presents: Gayuma Girl

Gagampanan ni Herlene ang papel na Maria Rosa, isang street vendor na gustong palaguin ang kanyang negosyo dahil na rin sa kahirapan at para masuportahan ang kanyang lola.

May tatlong guwapong lalaki na darating sa buhay niya: Ang forever crush niya na si Jose Luis (Arjo Pertierra) na may possessive girlfriend named Monica (Haley Dizon); ang apo ng kanilang landlord na si Gaspar (Kimson Tan) na nagbabalang papalayasin sila kung hindi sila makakabayad agad ng upa, at si John (Prince Clemente), ang nerdy best friend ni Maria Rosa na laging nandyan para sa kanya.

Dahil sa financial problems na dumating ay naisipan ni Maria Rosa na umorder ng gayuma na pampasuwerte sa negosyo. Ang kaso, nagkamali ang seller at naipadala sa kanya ang gayuma para sap ag-ibig! Ang ending tuloy ay magkakandarapa ang mga boylet sa kanila.

Ano kaya ang mangyayari sa kuwentong ito? Makakatulong baa ng gayuma sa mga problema ni Maria Rosa, o lalo lang ito lalala? Ano ang mangyayari kung mawawala ang bisa nito?

Narito ang short but aliw trailer ng Regal Studio Presents: Gayuma Girl:

In fairness, napakapogi naman ng mga leading men ni Herlene, huh! Ang haba ng hair!