#HereTogether: Nora Aunor, nakisaya sa mga kapatid natin sa LGBT community!

ADVERTISING

#HereTogether: Nora Aunor, nakisaya sa mga kapatid natin sa LGBT community!

#HereTogether: Nora Aunor, nakisaya sa mga kapatid natin sa LGBT community!
Nora Aunor sa Metro Manila Pride Day 2017 | Photo Source: UP Babaylan

HAPPY KAMI para sa mga kafatid namin mula sa LGBT community na nag-celebrate ng Metro Manila Pride 2017 last Saturday, June 24 sa Plaza De Los Alcaldes sa Marikina City with the theme “#HereTogether” na dinaluhan ng almost 7,718 participants ayon sa headcount ng Metro Manila Pride Team.

Sa kabila ng nagbabadyang malakas na ulan dahil sa maitim na ulap sa ‘di kalayuan ay masaya na naidaos ang successful Pride event kasama ang iba’t ibang mga LGBT groups at kabilang na nga dito ang UP Babaylan ng UP Diliman, kung saan namin nakuha ang picture ng aktres na si Nora Aunor na isa sa mga kilalang mga celebrity na sumama sa Pride March at nag-participate.

#HereTogether: Nora Aunor, nakisaya sa mga kapatid natin sa LGBT community!
Nora Aunor sa Metro Manila Pride Day 2017 | Photo Source: UP Babaylan

Dahil sa picture ni Nora sa parada, naging viral ang usap-usapan na nag-out na si Guy at kinumpirma na ang kanyang preference.

May tsismis kasi noon na kung anu-ano tungkol sa sexuality ni Guy na for us, there’s nothing wrong kung anuman ang piliin niya dahil hindi kabawasan sa pagkatao ng isang tao kung ano man ang preference niya. For me, it’s just normal. Bakla, tomboy, transgender or bisexual ka man, hindi nababawasan ang pagiging mabuting tao ang seksuwalidad mo.

ADVERTISING
#HereTogether: Nora Aunor, nakisaya sa mga kapatid natin sa LGBT community!
Nora Aunor sa Metro Manila Pride Day 2017 | Photo Source: UP Babaylan

Parang isang lalaki na gusto maging kapartner ay babae; o di kaya isang bakla na ang gustong mahalin ay isang lalaki  o kapwa niya bakla; o di kaya’t isang lesbian na ang gusto niya makapareha ay babae.

Kabaliwan naman na bading ka na ipipilit sa ýo na magustuhan ang isang babae na parang hindi justified na line thinking.

Para sa amin, kung saan masaya si Nora, no question. Kung anuman ang preference niya oks lang at hindi isyu sa amin.

#HereTogether: Nora Aunor, nakisaya sa mga kapatid natin sa LGBT community!
Nora Aunor sa Metro Manila Pride Day 2017 | Photo Source: UP Babaylan

May nakapagsabi sa amin na ang rason kung bakit dumalo si Nora sa Metro Manila Pride 2017 ay dahil sa ginagawa niyang pelikula ngayon. Kinunan diumano ang ilang eksena sa naturang parade. Wala pang ibang detalye na ibinahagi patungkol sa film project.

Happy Pride 2017 sa mga LGBT friends at kapatid natin! Mabuhay!

 

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING