Herbert Bautista, walang sama ng loob kay Kris Aquino

ADVERTISING

Herbert Bautista, walang sama ng loob kay Kris Aquino

Herbert-BautistaIN FAIRNESS kay Mayor Herbert Bautista, hindi talaga niya nalilimutan ang mga movie press. Sabi nga niya, nakalakihan na niyang kasama ang mga reporters dahil sa Mommy at Daddy daw niya na maraming kaibigang mga reporter.

Nu’ng Sabado nga ay nagpa-party siya para sa mga movie press na may birthday mula January hanggang September.

Ang dami naming mga birthday celebrants na dumalo siyempre dahil sayang din ang gift ni Mayor sa amin.

Pero siyempre kailangang kalkalin siya tungkol sa kanila ni Kris Aquino, dahil hindi pa siya nakapagsalita pagtapos nilang mag-break.

ADVERTISING

Nag-guest pa nga siya sa Aquino and Abunda Tonight at nag-one on one sila ni Kris.

Sabi naman niya, nananatiling friends sila ni Kris kahit hindi ganu’n kaganda ang break-up nila.

May natutunan naman daw siya sa break-up na ‘yun.

Pahayag ni Mayor Bistek, “Walang problema. I have no rancor about anything to anyone. Wala akong masamang tinapay kahit kanino, and I think she feels also the same way. I think that’s also one of the reasons why naging kaibigan niya uli si James. I’m looking forward na magkausap-usap sila uli ni Kuya Ipe saka ni Kuya Joey, so everything is really okay.

“May nabasa nga ako na huwag kang manatiling galit dahil ang masasaktan lang du’n ay hindi lang ‘yung taong kinagagalit mo kundi ikaw rin mismo. Parang ganu’n din lang siguro.”

Sa ngayon ay ini-enjoy daw niya ang pagiging single, at okay naman daw siya sa mga ex-girlfriends niya, lalo na’t may mga anak siya sa mga ‘yun.

Ang concern na lang daw niya ngayon ang mga anak niya na nagku-concentrate sa kanilang pag-aaral.

 

NABANGGIT DIN pala roon ni Mayor Herbert na all-out ang suporta nila sa pagpapakasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30.

Doon kasi gaganapin sa Immaculate Conception Cathedral na kung saan doon din bininyagan si Mayor.

Malapit kasi du’n sa bahay nila at kabisado ni Mayor ang lugar na ‘yun.

Sabi niya, kaya nilang kontrolin ang traffic doon at ang kanilang security. Kaya masaya raw siya sa pagpapakasal ng GMA Primetime King and Queen.

Hindi pa naman daw sila nakakausap ni Dingdong, pero nandiyan lang daw sila para sumuporta at tumulong para maging madali sa kanila ang pagpapakasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING