Herbert Bautista, ‘wag daw sisihin si Kris Aquino sa pagkatanggal sa “All You Need Is Pag-ibig”

ADVERTISING

Herbert Bautista, ‘wag daw sisihin si Kris Aquino sa pagkatanggal sa “All You Need Is Pag-ibig”

Herbert-Bautista-Kris-AquinoNapaka-unfair naman para kay Kris Aquino ng nangyari, na dahil lamang sa hindi noon pagkakasama ni Mayor Herbert Bautista sa pelikulang “All You Need Is Pag-ibig” ng Star Cinema na naging maingay noon dahil sa pagiging close nila na diumano’y nauwi na sa relasyon, ay napagbintangan ang magaling na TV host, na diumano’y siya talaga ang naglaglag kay Bistek para hindi na talaga makasali sa movie, para ang maipalit na lang ay ang malapit niyang friend ngayon na si Derek Ramsay.

Marami kasi ang nagsimpatiya kay Mayor Herbert Bautista dahil diumano sa panlalaglag ni Kris Aquino para meats-puwera siya sa pagkakatuluyan ng nasabing project.  Pero nilinaw naman ni Bistek sa ipinatawag niyang blowout presscon para sa mga kasamahan sa press na nag-birthday mula January hanggang March, na nu’ng nagkakaroon ng problema sa pagsisimula ng shooting ng movie ni Tetay, ay sumulat na rin siya sa Star Cinema, at nakiusap na puwedeng palitan na siya kung magiging cause of delay siya para matapos ang pelikula.

Naging busy na kasi si Kris at at paulit-ulit na nagkakasakit habang tinatapos ang pelikulang isinali nga sa Metro Manila Film Festival, kaya hindi na lang din nasagot ng mommy ni Bimby Aquino Yap ang mga tira at paninisi sa kanya dahil naudlot si Mayor Herbert sa plano nilang movie. Ipinaliwanag ni Bistek, na kaya atubili rin siyang matapos sana ang movie nila ni Tetay, ay dahil noong mga panahong iyon ay busy rin daw siya at naguguluhan pa sa pagdedesisyon kung tatakbo ba siyang senador o mayor pa rin.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING