Herbert Bautista, ‘di na sineseryoso ang mga reaksyon ni Kris Aquino

ADVERTISING

Herbert Bautista, ‘di na sineseryoso ang mga reaksyon ni Kris Aquino

Herbert-BautistaKAHIT NAMAN ano pa ang maging reaksiyon ni Kris Aquino dahil sa naging mga pahayag ni Mayor Herbert Bautista kamakailang humarap siya sa press at sagutin ang ilang katanungang may kinalaman sa Mommy ni Bimby Aquino Yap, hindi na lang iyon seseryosohin ni Bistek. Dahil una sa lahat, pagbibigay lang naman sa press na nagtatanong kaya mayroon siyang konting nabitiwang mga salita. Iyon pa rin naman kasi hanggang ngayon ang madalas itanong sa butihing mayor ng Quezon City.

Mula sa kanyang pagkabata, napakasuwerte ni Mayor Herbert. Kapag mayroon siyang mga aspeto ng kanyang buhay na nagkukulang ng kanyang atensiyon dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa, laging naroon ang suporta ng kanyang pamilya para sagipin siya. Nu’ng busy pa lang kasi si Bistek sa kanyang pag-aaral at nag-aartista pa siya, ang yumao niyang ina na si Mommy Baby Bautista ang madalas tanungin kapag hindi mahagilap si Herbert.

Nu’ng pumanaw na nga si Mommy Baby, bukod sa kanyang mga kapatid na mapakisama sa mga tao, ang suwerte rin ni Mayor Herbert dahil dumating naman sa buhay niya si Mayora Tates Gana. Na kung mayroong mga taong hindi rin mahagilap si Bistek, siya ang nakikipagtalastasan. Kaya nga ang dami-daming taga-showbiz na nagmamahal kay Tates ang nagtaasan ang mga kilay nu’ng biglang ma-link ang bayaw ni Romnick Sarmenta kay Kris.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING