Herbert Bautista, depende kay Kris Aquino kung matutuloy ang kanilang pelikula

ADVERTISING

Herbert Bautista, depende kay Kris Aquino kung matutuloy ang kanilang pelikula

Herbert-BautistaPRESENT SI Quezon City Mayor Herbert Bautista sa 76th birthday celebration ni Mother Lily, kaya natanong siya ng ilang entertainment press kung desidido na ba talaga siyang tumakbong senador sa 2016 elections.

ADVERTISING

Kung siya raw ang masusunod, gusto muna niyang tapusin ang kanyang termino bilang mayor ng Quezon City.

“Kasi sayang naman, last term ko na, kaya kung ako ang magdedesisyon, mas gusto kong maging reelectionist,” sey agad niya.

Eh, paano kung sabihin ng partido niya na kailangan niyang tumakbong senador, ano ang magiging desisyon niya?

ADVERTISING

“Wala pa naman, eh. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Mid-September, may final decision na ‘yon,” katwiran niya.

Eh, ano na ba ang update sa pelikula nila ni Kris Aquino. Matutuloy pa ba ito?

“Depende ‘yon kay Kris. Lately kasi, ‘di ba, sabi nila nagkakasakit (si Kris), so depende talaga sa kanya at sa Star Cinema,” sey niya.

Isa rin daw sa dahilan kung bakit hindi pa sila nakapagusyuting ni Kris ay dahil “ghost month” ang August at kailangan muna nila itong palipas, especially si Kris na mahilig maniwala sa feng shui. Tinatapos din ng aktres ngayon ang Etiquette for Mistresses na sa September na ang playdate.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING