Hello Stranger: The Movie nina Tony Labrusca at JC Alcantara magpapakilig ngayong VDay!

ISA BA KAYO sa mga naadik sa mga Boy Love o BL series noong kasagsagan ng quarantine hanggang ngayon? Most likely ay napanood mo ang ‘Hello Stranger‘ series ng Blacksheep na maituturing na isa sa biggest BL series ng Pilipinas. Ito ay pinagbibidahan ng Kapamilya hunk hottie na si Tony Labrusca at ng boy-next-door cutie pie na si JC Alcantara.

Hello Stranger: The Movie nina Tony Labrusca at JC Alcantara magpapakilig ngayong VDay!
Hello Stranger: The Movie Poster

Kung nabitin kayo sa love story nina Xavier at Mico sa series version o kaya nama’y naghahanap lang kayo ng kilig movie na mapapanood ngayong Valentine weekend, we suggest na you check out the movie version of Hello Stranger na mapapanood na sa pamamagitan ng KTX.PH at IWantTFC simula ngayong February 12.

Ngayon na sila’y magkasama sa isang beach trip with their barkadas and some new personalities plus an added threat, ano ang magiging ending ng love story nina Xavier at Mico?

Kasama rin sa pelikula sina Vivoree, Gillian Vicencio, Patrick Quiroz, Miguel Almendras, Meann Espinosa, Dionne Monsanto, Jin Macapagal, Jae Miranda, Lui Quesada, Andrea Miguel and Markus Paterson. Supported sila ng veteran actors like Yayo Aguila, Bing Pimentel,  Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz.

Ang Hello Stranger: The Movie ay mula sa direksyon ni Dwein Baltazar. Mapapanood ang pelikula sa halagang Php 200.