Helen Gamboa, Sobrang Saya sa Pagbabati Nila ni Sharon Cuneta

ADVERTISING

Helen Gamboa, Sobrang Saya sa Pagbabati Nila ni Sharon Cuneta

Helen Gamboa, Sobrang Saya sa Pagbabati Nila ni Sharon CunetaNOONG SABADO, sa Paparazzi Showbiz Exposed, inilabas ng show ang dalawang panig ng pagbabati, ang istorya nina Sharon Cuneta at Helen Gamboa-Sotto. Nauna na naming naiulat dito sa column namin ang panig ni Sharon sa masayang pagbabati uli nila ng kanyang Mama Helen.

At noong Sabado, sa isang mahabang panayam ni Miss Cristy Fermin kay Helen, nagpaabot ito ng mensahe sa pamangkin. Aniya, “Siyempre, ang sasabihin ko sa kanya: anak, kung anuman itong nangyaring sigalot na alam ko na for the past two years ay medyo napabayaan mo rin, na parang nakalimutan mo na, puntahan ako o kausapin ako. ‘Yung dalawang taon na ‘yon (habang umiiyak) masakit na masakit sa akin dahil ‘di kita nakita, ‘di kita nakausap, pero wala na ‘yon kasi nandiyan ka na ulit.

“Hinihintay ko na lang na magkita tayong dalawa. Basta’t alam ko, alam mo ‘yon maski hindi ako magsalita, alam mo kung gaano kita kamahal from the start, from the day you were born hanggang ngayon, anak, hindi magbabago ‘yung pagtingin ko sa iyo (umiiyak pa rin) lalo na ina ka na rin. Alam mo ‘yung gusto kong sabihin dahil ikaw rin bilang isang ina, ganu’n din kaimportante sa iyo ang mga anak mo, ‘yung pagmamahal, ‘yung pag-aaruga, ‘yung pag-iintindi sa kanila. ‘Wag mong kakalimutan ‘yon. Hanggang sa mamatay ako (umiiyak), mahal na mahal kita, Sharon. Happy mother’s day. I love you!”

 

ADVERTISING

NOONG SABADO pa rin sa Paparazzi Showbiz Exposed, nagbuhos din ng sama ng loob ang ina ni Albie Casiño na si Mommy Rina Casiño tungkol sa pagkabugbog ng anak nito sa isang bar sa Makati. Diumano, ilang kalalakihan ang nambugbog kay Albie na mga kasama diumano ni Andi Eigenmann sa nasabing bar.

Pahayag ni Mommy Rina, “We will file case against them, wala naman kaming ginawang masama sa kanya, bakit ako matatakot sa kanila. Kesyo malalaki silang tao? Kailangang katakutan sila? I’m sure, itong mga taong ito, ‘yung mga magulang nila, hindi nila alam kung ano ang ginawa ng anak nila, and I’m sure also kung malaman nila, hindi nila ito-tolerate.”

May pasaring naman si Mommy Rina kay Andi. Aniya, “For the longest time, we kept quiet. Sobra na ang kasinungalingan ni Andi at ng pamilya niya. Hindi lang naman si Albie ang sinira nila. Nagsalita ‘yung mommy niya, ‘yung daddy niya about our family, pinabayaan ko ‘yun. Sige lang, pero akala ko mananahimik na sila, akala ko hindi na, hindi na ‘to maano. Akala ko naka-move on na siya, ‘yun pala hindi pa, talagang parang gusto niyang may mangyari kay Albie.”

Dugtong pa ni Mrs. Casiño patungkol pa rin kay Andi, “Kahit na hindi na nga kayo ni Albie nu’n, pumupunta ka pa rin sa bahay, nag-uusap tayo, kung may problema ka, I know you will remember this. You went to our house, one time puno ka ng mga bugbog. Tinanong ko, what is wrong, what happened to you, sabi mo problems. Kasi nag co-confide siya sa akin ng problema niya about her mom. Hindi sila magkasundo ng mom niya. Tapos they appear ngayon, ngayong problemang ito okay sila ng mom niya.”

Sa huli, may panawagan si Mommy Rina kay Andi, “Kay Andi, tama na Andi, ayoko na, sabi ko sa ‘yo ‘di ba? I’m done protecting you, nagsalita na ako, I’m sorry, because, sobra na, sobrang kasinungalingan na ang mga pinagsasasabi mo, at saka alam mo, advice, if you are telling the truth, you will be consistent, i-review mo ‘yung mga pinagsasasabi mo, ang dami ng inconsistency sa mga sinasabi mo.

“So please, tell the truth. Ito pa, last na Andi, ‘yung sinabi mo na si Albie will ruin you, imposible. Because, those were your words, and I heard that, somebody else heard that, ‘yung sabi mo, I will bring you down. Sabi mo kay Albie. I will ruin you. Ikaw ang may sabi nu’n, hindi si Albie.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING