Heaven Peralejo nagsalita sa pagkakadawit sa hiwalayang Kiko Estrada-Devon Seron

BINASAG NA ng Bagong Umaga lead star na si Heaven Peralejo ang kanyang pananahimik magmula nang lumabas ang isyu na siya diumano ang third party sa hiwalayang Kiko Estrada at Devon Seron.

Magkasama sa programang Bagong Umaga sina Heaven at Kiko at naka-lock-in taping ang mga cast and crew nito. Dahil sa mga clues na inilagay ng mga kapamilya at close friends ni Devon sa now-deleted cryptic post nito ay may mga nag-assume na si Heaven Peralejo ang babaeng sangkot sa hiwalayan.

Heaven Peralejo nagsalita sa pagkakadawit sa hiwalayang Kiko Estrada-Devon Seron
Heaven Peralejo | Kiko Estrada and Devon Seron

Sa pamamagitan ng kanyang IG stories ay nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actress.

“Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other.”

“I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn’t and would never do.

Patuloy niya, “To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

“I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not involved.

“Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this.

“Anyway, there are far more important issues that we should concern ourselves with.

Sa ngayon ay binabash pa rin si Heaven sa kanyang Instagram account ng mga fans nina Devon at Kiko. Hanggang ngayon ay wala pa rin naririnig na opisyal na pahayag mula kina Devon at Kiko.

Nagbigay na rin ng pahayag ang nanay ni Heaven Peralejo na naapektuhan sa dinadanas na bashing ng kanyang anak. Hinihiling nito na maghayag ng public apology ang mga tsismosang nag-akusa sa kanyang anak.