Heaven Peralejo ipinalit sa dapat sana ay role ni Julia Barretto sa ‘Bagong Umaga’

Leo Bukas
BIDA NA ang dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Heaven Peralejo sa ABS-CBN barkada serye na Bagong Umaga na ipapalabas simula October 26 sa A2Z Channel 11 at sa ibang Kapamilya online platform. Mapapanood ito pagkatapos ng It’s Showtime.

Sa tanong namin kay Heaven kung ano ang pakiramdam na bida na siya sa isang teleserye, aniya, sobrang saya ng nararamdaman niya.

“Kung alam n’yo lang po kung gaano ako kasaya. Kung gaano kasaya yung puso ko para mabigay sa ‘kin ‘tong role na ‘to,” tila hindi makapaniwalang pahayag ni Heaven press na umatend sa Bagong Umaga virtual conference.

Heaven Peralejo

Patuloy ng dalaga, “Sobrang thankful ako kina Mamu (Rizalina Ebrigea ng  RGE Drama Unit), of course sa production, sa mga directors, sa ABS [CBN] for giving me this opportunity.

Kasama ni Heaven sa Bagong Umga sina Barbie Imperial, Tony Labrusca, Kiko Estrada, Michelle Vito at  Yves Flores. The series is directed by Carlo Po Artillaga and Paco Sta. Maria.

Aminado si Heaven na nakakaramdam din siya ng pressure sa kauna-unahang pagbibida sa isang serye.
“I’m very grateful, and at the same time, pressured. Binigyan nila ako ng chance para i-showcase yung kung ano ba kaya kong ibigay sa mga kapamilya natin.

“Pero for me, masayang pressured din para, at least, gagalingan ko everytime. Para matuwa naman yung ating mga viewers,” lahad pa niya.

Iba dapat ang role na gagampanan ni Heaven sa Bagong Umaga, pero dahil nawala sa cast si Julia Barretto kaya ang role ng huli bilang si Tisay na isang matapang na babae na galit sa mga maayaman ang na-assign sa kanya.

Ano ba ang reaksyon niya na parang second choice lang siya for the role?

Sagot niya, “It’s a blessing in disguise kaya nagpapasalamat talaga ako lagi,  so,  yon lang po. Ang ginagawa ko lang talaga ay ginagalingan ko every scene. Nandiyan naman po yung director namin para tulungan kami. Lalo na yung mga castmates ko, sobrang galing din po nila na kahit ikaw mismo madadala ka sa galing nila.

Heaven Peralejo

“Dito po sa Bagong Umaga, lahat po kami, kahit veterans po, sobrang bait po nila. Like sila Tita Rio (Locsin), alam n’yo si Tita Rio… smiling face. Dito para kaming pamilya, eh.

“Siguro dahil lock-in po kami and everyday kaming magkakasama, we became a family. And every time na nasa set ako, it’s a happy set for me, pahayag ni Heaven.

Bukod sa anim na bidang young stars ay kasama rin sa Bagong Umaga sina Sunshine Cruz, Rio Locsin, Bernadette Allyson, Nikki Valdez, Glydel Mercado, Cris Villanueva, Keempee de Leon at Richard Quan.

Previous articleVLOG WATCH: Arci Munoz, inalay ang ‘Jimin Park’ para kay Jimin ng BTS
Next article‘The House Arrest of Us’ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mapapanood na sa October 24!

No posts to display