‘Heartful Cafe’ nina Julie Anne San Jose at David Licauco mapapanood na sa GMA

SIMULA ngayong gabi ay mapapanood na sa GMA-7 ang newest rom-com show na ‘Heartful Cafe‘ na pinagbibidahan ni Julie Anne San Jose kasama ang chinito hunk na si David Licauco at talented actor na si EA de Guzman.

Yes, mapapanood na ito sa main channel ng Kapuso network. Originally ay sa GTV lang dapat ito ipapalabas dahil na rin sa ganda ng script at commercial viability nito.

'Heartful Cafe' nina Julie Anne San Jose at David Licauco mapapanood na sa GMA
David Licauco and Julie Anne San Jose

Julie Anne will play the role of Heart Fulgencio, isang online romance novelist at coffee shop manager habang si David naman ay gaganap bilang Ace Nobleza, isang businessman na gustong mag-invest sa coffee shop ni Heart. Hmmm… is love on the menu?

Si EA de Guzman naman ang gaganap na Uno Ynares, ang TOTGA o ‘The One That Got Away’ ni Heart na mas pinili ang pag-aaral sa ibang bansa at winasak ang puso ng ating bida. Magkakaroon pa ba sila ng chance?

First time magtatambal nina Julie Anne at David. With this freshly-brewed team-up, we have high hopes na this series will bring in the ‘kilig’ na kulang sa real world. Alam niyo na, kailangan natin ng escape sa mga nangyayaring hindi kanais-nais sa ating bansa. Hindi na sapat ang pakape-kape lang! Ha-ha-ha!

Mapapanood na starting tonight, April 26 sa GMA ang Heartful Cafe. Maliban kina Julie Anne San Jose, David Licauco at EA de Guzman, kasama rin sa programa sina Ayra Mariano, Victor Anastacio, Angel Guardian, Zonia Mejia at Jamir Zabarte, na may kanya-kanya ring paandar sa programa.