Heart, okay lang makasama si Jericho sa pelikula

ADVERTISING

Heart, okay lang makasama si Jericho sa pelikula

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Nasa pangangalaga pa rin ng Viva Artists Agency (VAA) si Heart Evangelista. Pumirma siya ng panibagong  two-year contract, kaya ang Viva pa rin ang magha-handle ng movie at endorsement projects niya.

“I’ve been very happy with Viva. Our professional relationship has been very productive,” sabi pa niya sa amin.

Sa TV ay may exclusive contract si Heart sa GMA 7, pero maaari naman daw siyang gumawa ng pelikula sa labas, sa Star Cinema, kung gugustuhin ng Viva.

Handa ba siyang makatrabaho ang ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales if ever mag-co-produce ang Viva at Star Cinema?

ADVERTISING

“Of course. Ang tanong, willing ba sila?” natatawa niyang sagot.

“I have no problem. Pagdating kay Chiz, he has no problem din. You know, at the end of the day we’ve got bills to pay, so we gotta be practical,” paliwanag pa ni Heart.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING