Heart Evangelista, nakikipagbalikan na sa first boyfriend! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

Heart Evangelista, nakikipagbalikan na sa first boyfriend! – Gorgy’s ParkAMINADO NGAYON SI Heart Evangelista na inspired siya at hindi na ito nakikipag-date sa iba kundi sa isang lalaki na lang.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang first boyfriend niyang mukhang makakabalikan niya, ang pulitikong si Ian Dy ng Isabela.

ADVERTISING

Siya rin nga raw ang first girlfriend nitong si Ian.

“Yeah! I’m starting to open up. Kasi I said before in one of my interviews for my Valentine’s or my birthday I’m looking for a sign and I got my sign,” panimulang pahayag ni Heart na kitang-kita ngayong inspired ito.

“Hindi ko na sasabihin kung ano ‘yung sign na ‘yan. Dalawa lang ‘yung sign na hiningi ko eh, and I got my sign so I allowed myself to see ‘di ba, what’s there for me? Tapos nakita ko ‘yung sign so ngayon I’m enjoying that,” patuloy nito.

ADVERTISING

Kahit break na sila noon, na-maintain pa rin daw nila ang friendship na sa panahon ng kalungkutan niya at nandiyan itong si Ian para makasama niya at nakikiiyak pa nga raw sa kanya minsan.

Kaya parang hindi naman naputol ang ugnayan nila, pero ngayon lang niya masasabing nasa proseso sila nang pagbabalikan.

Wala pa raw ‘yung sinasabi nilang commitment sa isa’t isa. “Pero uso pa ba ang MU?” tanong nito sa amin.

“Basta I’m happy with what I have, ‘yun lang. Ayokong isipin n’yo na commitment din ‘yan. Basta kung anuman ‘yung nandiyan, understood na ‘yun. Ini-enjoy na lang muna namin ngayon,” parang kinikilig pang kuwento ni Heart.

Birthday rin kasi ni Heart sa Valentine’s Day kaya natutuwa naman daw siya na sa araw na ‘yun ay kasama niya itong si Ian, at hindi na siya nag-i-entertain ng panunuyo ng iba.

Ibig sabihin ba, wala na ngang pag-asa si Dennis Trillo sa kanya?

“Hindi naman siya (Dennis) nanligaw talaga, kasi mararamdaman naman ‘yun ng babae kung nanliligaw siya. It was really a friendship talaga so hanggang ganu’n lang and maganda naman ‘yung friendship namin,” sagot sa amin ni Heart.

Ngayon ay wala nang puwedeng hilingin pa si Heart sa nalalapit niyang kaarawan, na Valentine’s Day pa. Maganda ang takbo ng career dahil maganda ang feedback sa Full House nila ni Richard Gutierrez, at may nagbibigay pa sa kanya ng inspirasyon.

DERETSAHAN NANG SINAGOT ni Suzette Ranillo sa Startalk ang hinaharap nilang kontrobersiya sa ngayon lalo na sa pamangkin niyang si Krista Ranillo.

Mariing itinatanggi nito ang kaugnayan ni Krista kay Manny Pacquiao lalo na ang mga napabalitang natatanggap daw nila mula sa ating Pambansang Kamao.

Ang nakaraang biyahe raw nilang pamilya ay hindi raw sagot ni Manny. Si Krista lang daw ang nilibre ni Manny ng plane ticket dahil parang blowout daw niya ito sa lahat na kasamahan sa Wapakman.

Sabi nga ni Suzette, hindi naman daw sila perfect family, pero mabait na tao raw si Krista at mali raw itong mga ibinibintang sa kanila.

“Sana alamin muna nila ang buong katotohanan bago nila kami husgahan,” bahagi ng pahayag ni Suzette.

Pati ang pagkadamay ni Gina Alajar sa kontrobersiya ay sinagot din nito, na alam naman daw ni Gina na hindi si Krista ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Michael de Mesa.

Huwag daw isisi kay Krista dahil alam naman daw ni Gina kung ano ang problema nilang mag-asawa.

Sinagot din ni Suzette ang isyung inilabas nito ang mga gamit ni Bianca King sa dressing room ng Wapakman.

Sabi nito kay Bianca, “Pasensiya ka na kung may mga naglabas ng gami mo sa tent. But I just want to let you know, and once and for all, hindi ako ang naglabas ng gamit mo sa tent.

“For whatever reason that you got offended, pasensiya na lang, it’s part of showbiz. If people said I did, it’s pure hearsay,” diretsahang pahayag ni Suzette.

‘Yun na raw ang huli niyang pahayag kaugnay sa mga naglabasang isyung ibinabato sa kanilang pamilya. Sana patahimikin na raw sila lalo na ang kanyang pamangking si Krista.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING