Heart Evangelista, wish na maging friends sila ni Marian Rivera

ADVERTISING

Heart Evangelista, wish na maging friends sila ni Marian Rivera

Heart-Evengelista-Marian-RiveraPINAG-USAPAN DIN pala namin du’n sa Startalk ang pagkakapareho ng damit na suot nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Kuwento ng mga bakla, napansin daw agad ng mga followers nila sa Instagram nang magkasunod silang nag-post ng suot nila, at pareho pa silang may bitbit na Berkin’s bag ng Hermes.

Si Marian ang unang nag-post na kung saan magkikita sila ni Michael Cinco sa Makati Shangrila Hotel para i-finalize ang wedding gown na isusuot sa kasal nila ni Dingdong Dantes.

Si Heart naman ay pupunta na sana sa Startalk pero kaagad na nakarating sa kanya na magkapareho pala sila ng suot ni Marian at siya ang pinutakti ng panlalait ng mga fans ni Marian.

ADVERTISING

Kaya para wala na lang daw gulo at ‘di na lumaki ang isyu, pinalitan na lang niya.

Ang unang suot nila ay Dolce and Gabana, kaya pinalitan na lang niya ito ng iba.

Pagdating niya ng studio, kinantiyawan na rin ito ng mga staff at natawa na lang siya.

Sabi niya, sana maging friends na lang daw sila ni Marian dahil pareho naman daw pala sila ng gusto. Ewan ko kung ano ang reaksyon ni Marian. Hindi ko pa siya nakakausap. I’m sure deadma na lang siya.

Nakakatawa talaga ang dalawang ito. Hindi talaga sila tinatantanan ng intriga.

 

NGAYONG UMAGA na pala magsisimula ang bagong game show ni Tom Rodriguez sa GMA 7 na Don’t Lose the Money.

Bagong challenge daw ito kay Tom dahil hosting naman ang ipapakita niya rito.

Abangan n’yo na lang ‘yan bago mag-Ryzza Mae Show, at siya na yata ang pinakaguwapo ngayon na game show host.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING