Heart Evangelista, wala nang feelings kay Jericho Rosales – Ronnie Carrasco

Heart Evangelista, wala nang feelings kay Jericho Rosales - Ronnie Carrasco

Heart Evangelista, wala nang feelings kay Jericho Rosales - Ronnie CarrascoTINATAYANG” DISI” AS in anywhere between disisais and sisinuwebe ang guwapong boylet na nasa studio ng isang TV station.

May mahalaga kasing okasyon nu’ng araw na iyon, hence ang makatawag-pansin na presensiya ng binatilyo who can pass for an artista in fairness, sa kanyang itsura.

Ilang sandal, hiningan ng mensahe ang poging bagets patungkol sa okasyon in honor of a male celebrity. Buong paggalang nitong tinawag na “tatay” ang pakay ng kanyang pagpunta.

“Papa” pala ng bagets ang celebrity na ‘yon.

[ad#post-ad-box]

PASADO HATINGGABI NU’NG lumusob sa kanyang condo unit ang ama ni Heart Evangelista, tulog na tulog ng mga sandaling iyon ang hapung-hapong aktres buhat sa kanyang taping and all.

Ang kasambahay ni Heart ang siyang nabungaran ng ama, ninenerbiyos pang kinatok si Heart sa pintuan nito dahil sa di-inaasahang pagdating ni Ginoong Evangelista sa dis-oras ng gabi.

Nataranta naman daw si Heart, hindi naman kasi pangkaraniwan ‘yung kalampagin siya ninuman sa kanyang pamilya maliban na lang kung may pangyayari na ‘ika nga’y matter of life and death.

“Bad news, Heart!” Ito raw agad ang bungad ng ama sa noo’y mahimbing nang naglalakbay sa dreamland na aktres.

Pero eklat lang pala ‘yon ng kanyang papa (not to be mistaken for my previous item, huh!). sumugod lang daw ito upang ipaalam kay Heart na siya ang itinanghal na Best Actress sa FAMAS…yes, pang-FAMAS din ang acting ng fadir ni Heart!

Heart clinched the Best Actress plum for her portrayal as a village teacher in the indie film Ay Ayeng. Sometime in 2006 daw nu’ng gawin ni Heart ang naturang pelikula, about the same time she and Jericho Rosales had a stormy relationship.

Speaking of Jericho, kaagad daw nag-text sa kanya ang actor to congratulate her. “Saludo ako sa ‘yo,” was part of Heart’s ex-boyfriend’s text message.

Pero ani Heart, hanggang du’n na lang ‘yon: Jericho’s congratulatory words didn’t bring back memories of yore.

SA WAKAS, NATULOY na rin ang long-overdue promise ni Kris Aquino na magpaunlak ng interbyu kay Ricky Lo sa Startalk, not just the daughter of an ex-president kundi ka-join din ang kuya nitong si Noynoy.

Isa lang po ito sa dapat abangang segment ng Startalk bukas as it notches its 14th year. Sa mga nakalimot na, Kris was one of  Startalk’s three original hosts until she moved to ABS-CBN, her first home, after all.

Hindi po ako nakasama sa nai-tape nang interview sa magkapatid but based on Kris’s former co-workers in Startalk ay magiliw naman ang TV host-actress. Natural, she’s up to something else, ‘no! need I say more?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III