Heart Evangelista, umalma sa ‘pang-aagaw’ sa wedding venue

ADVERTISING

Heart Evangelista, umalma sa ‘pang-aagaw’ sa wedding venue

Heart-EvangelistaUMALMA RAW si Heart Evagelista sa diumano paninisi raw kanila ng future fiancé na si Senator Chiz Escudero sa social media sa balak na pagpapakasal nila sa Balesin Island na matatagpuan sa Quezon.

Sinabi raw diumano ng make-up artist na si Ria na naetsa-puwera ang kaibigan nitong nagpakahirap magplano sa kasal sa Balesin Island dahil diumano raw sa celebrity couple na gusto ring magpakasal sa nasabing lugar sa pareho ring raw araw.

Nakarating ito kay Heart at kaagad na nag-react na unfair daw sa kanila dahil wala silang kinalaman dito. Hamon pa ng ng actress sa mga kritiko na magsiyasat sa Balesin Island para matiyak kung nakapag-book sila ng schedule para sa kasal.

Ayon kay Heart, wala siyang plano na gawin ang ganoong bagay sa kapwa niya bride to be.

ADVERTISING

Aminado naman ang actress na abala na sila sa pagpaplano ng kanilang kasal, bagama’t wala pa raw eksaktong petsang napili. Ngayon pa lang daw nagsi-sink sa kanya ang ideyang magiging Mrs.Escudero na siya.

Ayaw nang magsalita ni Heart tungkol sa mga nakaalitan daw niyang actress. Basta ang mahalaga raw sa kanya ngayon, masaya siya at muling nanumbalik ang pagmamahalan nilang pamilya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING