Heart Evangelista, umaasang dadalo ang mga magulang sa kasal niya

ADVERTISING

Heart Evangelista, umaasang dadalo ang mga magulang sa kasal niya

Heart-EvangelistaAYAN IN-ANNOUNCE na ni Heart Evangelista sa Startalk na sa February 14 na kasal nila ni Sen. Chiz Escudero.

Hindi pa niya na-finalize kung saan gagawin, pero ang isa nga sa pinag-iisipan nila ay gagawin ito sa Balesin Island.

Medyo emotional si Heart nu’ng na-interview ni Butch sa Startalk dahil napag-usapan ang isyu nito sa kanyang magulang.

Sinabi nga nila ni Sen. Chiz na hindi pa ganu’n ka-open sa kanya ang magulang ni Heart, pero naniniwala naman daw sila na darating ang araw na okay na ang lahat at matutuloy na rin ang pamamanhikan.

ADVERTISING

Sabi nga ni Heart, ang importante, okay na sila ng Daddy at Mommy niya. Masaya na raw siya sa ganu’n.

Naintindihan daw niya kung hindi pa gaanong matanggap ng mga magulang niya ang pagpapakasal nila, pero darating ang araw na maging okay rin daw ang lahat.

Sabi ni Heart sa interview sa kanila sa Startalk, “In fact, nandu’n na rin kami, na hindi mo na kailangang i-settle kung ano ‘yung mga differences n’yo.

“You may not be on the same page with everything, pero ang importante okay kami.

“Ang importante, nagkikita kami, and we make time for each other. Because life is too short. You don’t want to waste time anymore, ‘yun ang lagi kong sinasabi.

“Kung anuman ‘yung maging desisyon nila, whether they won’t be there, ang importante sa akin is okay kami. Okay na sa akin ‘yun.”

Sabi naman ni Sen. Chiz, “Sa pagitan ng pamilya, hindi na kailangang pag-usapan pa. Hindi na kailangang maghingian pa ng tawad.”

Sa ngayon kasi parang hindi pa talaga ready ang magulang ni Heart na pag-usapan ang tungkol sa kasal, kaya kung sakaling wala sila sa kasal, maiintindihan daw ‘yun ng aktres. Pero siyempre wish niya na ang magulang niya ang maghahatid sa kanya sa altar.

Kung sakaling wala raw sila sa kasal, siya lang daw ang mag-isang maglalakad sa altar, dahil wala raw puwedeng papalit sa magulang niya na maghahatid sa kanya.

Pero tingin ko naman, lalambot din ang puso ng magulang niya, lalo na ang Mommy niya dahil nakita naman nilang sincere si Sen. Chiz sa pakay sa kanilang anak. Nandiyan na nga at gusto na nitong pakasalan. Kaya nga sana maging okay na sa kanilang lahat.

Siyempre sa Startalk ‘nyo mapapanood ang kabuuan ng kasal nila. Abangan n’yo ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING