Heart Evangelista, umaasa pa ring sisipot ang mga magulang sa araw ng kasal

Heart Evangelista, umaasa pa ring sisipot ang mga magulang sa araw ng kasal

Heart-EvangelistaMALAPIT NA ang kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na gaganapin sa Balesin Island.

Kaya puspusan na ang paghahanda nila. Nandu’n na yata sina Heart at ang ibang entourage. Pero ang malungkot lang dito, hindi raw talaga darating ang mga magulang niya.

Dumating na pala rito ang Mommy ni Heart galing Amerika, pero nagpasabi raw silang hindi sila dadalo.

Kaya mag-isa na lang si Heart na magmartsa sa altar.

Dadalo naman ang mga kapatid niya, pero siyempre iba talaga kapag nandu’n ang magulang mong maghahatid sa ‘yo.

Nalulungkot si Heart siyempre, dahil umaasa pa rin siyang sosorpresahin siya ng mga magulang niya. Pero ang sabi raw ng Daddy niya, nandiyan naman daw ang blessings nila, pero hindi lang daw nila kayang tingnan ang kanilang anak na mag-aasawa na.

Meron pa namang inihanda na MTV si Heart para sa kanyang ama kung sakaling darating sila.

Exclusive na iku-cover ng GMA 7 ang kasal nila sa Balesin, at sa February 18 ay meron silang reception dito sa Maynila para sa mga close friends nila sa showbiz at politics.

Abangan n’yo na lang ang coverage ng Startalk sa kasalang ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis