Heart Evangelista, tila malabo pa ring magbuntis ngayong taon

Heart Evangelista, tila malabo pa ring magbuntis ngayong taon

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Maagang natanggap ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na ang pagiging vice president ay hindi talaga puwedeng maisakatuparan na kabilang sa pangarap ni Sen. Chiz.

Kaya a day after the election (kung tama ang bilang namin, nag-concede na si Sen. Chiz sa labanan sa pagka-VP).

Kaya nga ngayon na back to Senate obligations and responsibilities sa paggawa ng batas at paghihimay ng mga isyus na inihahain sa Senado si Sen. Chiz, si Heart naman ay magpapaka-busy sa pagiging asawa ng kanyang mister bukod siyempre sa pag-aartista.

Kung maaalala pa, isa sa mga pangarap ng dalawa ay magkaroon ng baby na dahil sa kabisihan sa nakaraang elekyon ay hindi talaga magawa nina Sen. Chiz at Heart, lalo pa’t pagod galing sa pangangampanya. Kaya this time, ngayon na may panahon na sila sa isa’t isa, malamang sa hindi, this year, ay magkaka-baby na ang dalawa.

Sa kaso ni Heart Evangelista na ngayon ay may bagong sexy romcom sa GMA 7 with Dennis Trillo na “Juan Happy Love Story” na magsisimula na sa darating na Lunes, May 16, ewan ko kung maisisingit ito ng aktres lalo pa’t ang taping ng isang regular serye ay ngaragan din bukod pa sa ayaw bumitaw ni Heart sa kanyang passion na pagpipinta (I like her works) na halos araw-araw yata ay nasa harap siya ng kanyang canvas.

We just hope na ang pangarap ng mag-asawa ay maisakatuparan na nang maaga lalo pa’t noon pa man bago nag-decide na mag-VP si Sen. Chiz Escudero ay gusto na talaga ng dalawa na magka-baby.

Sa bagong serye ni Heart makasasama rin niya sina Ms. Gloria Romero at Joross Gamboa.

Reyted K
By RK VillaCorta